Chapter 14

48 5 2
                                    

KAZE'S POV

"Iyang mukha mo..." rinig kong nagsalita si Gabraiel matapos ang iilang minuto ng aming biyahe.

"Ano?" umiingos kong sagot nang hindi man lang siya binalingan ng tingin. Sa halip ay kaagad kong binuksan ang pinto ng sasakyan.

Nang makababa ay saka ko palang siya tinignan.

"Anong meron sa mukha ko?" paghahamon ko nang masulyapan ko ang palihim na ngiti sa labi niya. Tss. Tinatago-tago pa.

"Wala..." pabuntong hininga, supladong aniya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka baba siya. Ngayon ko palang nasara ang pinto ng sasakyan at sumunod ng lakad sa kanya papasok ng bahay.

"Kapag nakita ka ng kapatid mo na ganyan ang mukha ay magtatanong iyon." bahagya siyang lumingon sa akin na kaagad naman niyang binawi. "Hindi ba't ayaw mong tinatanong ka?"

"Tss...nagtatanong ka nga ngayon." biro ko na as usual ay hindi na naman niya nakuha.

Doon ay huminto siya sa paglalakad at nagtataka akong tinitigan. Napairap nalang ako kasabay ng bahagyang pagtapik ko sa balikat niya. Pailing-iling konf binuksan ang makapal at malaking pinto saka ako pumasok sa loob.

Naramdaman kong patakbo siyang sumunod sa akin hanggang sa pareho kaming nakapasok na dalawa. Kaagad kong nakita si Jax at Kate na nasa pangalawang sala, doon mukhang masinsinan silang nag uusap. Sarkastiko akong natawa nang mapagtanto kong napakalapit ng katawan nila sa isa't-isa.

"Nag-uusap ba?" biglang bumulong si Gabraiel sa akin mula sa likod na siyang ikinagulat ko. Ram

"Ba't hindi mo tanungin." bigla ay nainis ako.

Itutulak ko na sana siya palayo nang biglang may nangibabaw na boses sa bandang gilid namin. Sabay kaming lumingon sa gawing iyon at nakita ang nakapamulsang tindig ni Master.

"I didn't know you two are friends na?" aniya at dahan-dahan ang lakad na lumapit sa amin. Animong binibilang ang bawat hakbang ng paa. Ano't naging conyo ang panabalita niya?

Nasulyapan ko sina Jax at Kate na parang nakakita ng multo at dagling naghiwalay. Tss.

Mabilis kong ibinaling ang tingin kay Master. Lumayo ako kay Gabraiel at doon sa sandalan ng sopa pumwesto. Nakasandal ang magkabilang kamay paharap sa kanila.

"Kailan ba kami nag away?" pamimilosopo saka ko sinulyapan si Gabraeil na hindi ko alam ay nakatingin na pala sa akin.

Tahimik lang siya at pangiti-ngiti lang. Akala mo naman totoong ngiti talaga. Tss. Plastik.

"By the way, why are you here?" ani Master na pinagkuskos ang palad. Mataman ang titig niya sa akin at tuluyan nang lumapit. "And, what happened to your face?" nag-aalalang tanong niya. Bigla ay nabaling na sa sugat ko ang atensiyon niya.

Tuloy ay napahawak ako sa sugat na ngayon ko lang ulit naalalang meron pala.

Papalit-palit ang tingin ni Master sa amin ni Gabraiel. Hindi pa kasi kami nagsalita sa halip ay nagkatinginan lang.

"Tss, may sumusunod sakin kanina doon sa mall. Nainis ako kaya't..." napairap ako. "alam mo na kung ano."

"What?!" tumaas bigla ang boses niya. "Sumusunod lang naman pala sayo tapos ginulpi mo?!" ganoon nalang kakunot ang noo niya.

Kumunot din tuloy ng wala sa hulog ang noo ko. Gulat akong napatayo at ngumiwi sa naging tugon niya.

"Master, sinusundan ako. Sa tingin mo anong gagawin ko?" nagpapaintinding sagot ko.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now