Chapter 27

10 0 0
                                    

ZAIN'S POV

Nang bumalik ako sa loob ng hall ay natanaw ko kaagad si mommy. Kausap si Mr. Arnault kasama iyong mga kasabay niya kanina. Nakita ko rin si dad na palapit sa kanila kaya ay lumapit na rin ako.

"Zain, where have you been?" tanong niya.

Lumingon pa ako ng bahagya na para bang tinuturo sa kanya kung saan ako nanggaling.

"Uhm I... went out for fresh air." pabulong na sambit ko dahil hanggang ngayon ay magkausap parin si mom at Mr. Arnault.

"Alright." aniya. "Why not go there and meet some of our family friends." suhestiyon niya.

Nagpalinga-linga naman ako at natanaw ko nga doon sa may buffet table si Psalm at Kiel na ngayon ko lang ulit nakita. Bihira nalang kasi kami magsama-sama lalo pa at iba-iba ang course namin. Hindi ko alam pero ganoon pala talaga kapag nasa college na.

"Son..." muling tawag ni dad. "I'll be bringing your mom home, medyo malayo-layo rin ang biyahe kaya mauuna na tayo. Sumunod ka nalang sa amin ha."

"Yeah...sure, dad. Baka pagod na rin si mom. I'll just say hi to Psalm and Kiel then susunod na ako sa inyo." sabi ko.

Nagpaalam ako kay dad at lumakad na patungo sa kinaroroonan nina Psalm at Kiel. Wala naman kami masyadong pinagusapan. Kinamusta lang namin ang isa't-isa saka nagasaran ng konte. Gabi narin at tapos na ang party kaya ay nagpaalam narin kami sa isa't-isa. We only had catch ups after how many weeks. I don't know how many, I lose count.

I don't know of it's just me but I feel heavy. Para bang wala ako sa mood pero di din naman ako galit, naiinis or what. Well maybe, naaasar ako ngayon. Yeah, that's it. Naaasar ako kay Gabraiel. To frankly say, O hate it when I see the both of them together. It's something that icks me and I hate myself for that.

Kinapa ko ang susi ng sasakyan ko habang palabas ako ng hall. Sa exit door patungong pool area ako dumaan dahil doon mas malapit ang parking space ng kotse ko.

Nang pababa na ako ng hagdan patungo sa ground floor ay may nakasalubong ako na isang lalaki. Pamilyar ang mukha niya dahil nakit ko na siya kanina sa loob ngunit hindi ko siya kilala.

Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago nawala ang paningin ko sa kanya.

"You're the young Hendrix right?" aniya sa makapal na boses.

Kaagad ko naman siyang nilingon. Nakaharap na siya sa akin nag magtama muli ang aming mga mata.

"Yes and you are?" tanong ko, may pagtataka.

"I'm Claude, Mr. Arnault's nephew. I saw you inside a while ago." bigla ay kumawala ang mahinang tawa sa labi niya. "I didn't know you and Ms. Anderson are..." pinagkiskis niya palad saka pinagsiklop ito. "friends?"

"Yeah...we are." nagtataka paring sagot ko.

May bahid ng kung anong kapilyuhan ang ngiti niya sa akin. It's fucking annoying.

"I'm confused..." mabagal na sambit niya. Doon ko na siya pinagkunutan ng noo.

"What do you mean you're confused?" pilit ko paring sumagot ng pormal sa kanya lalo pa at medyo mas matanda siya sa akin sa palagay ko.

"Nothing." suminghap siya. "I'll head now, have a good night Mr. Hendrix." aniya saka ay tumalikod.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo ay hinabol ko siya.

"What made you confused?" direktang tanong ko. "You are... mister?"

"It's Claude...Claude Arnault." pagpapakilala niya. "Oh, nothing." muli ay sumilay na naman iyong kakaibang ngiti niya. "Don't think about it...I guess I'll leave you here and by the way, it's nice to meet you." tila ba ay bigla siyang nagmadali.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now