Chapter 25

12 0 0
                                    


"Seryoso ka bang pa re-rentahan mo itong resort?" tanong ko kay Master nang maupo kami sa loob ng function hall. Bumalik kami sa pwesto namin kanina, dito sa maliliit na silya.

May kalakihan ang espasyo sa loob. Ang unang bubungad sa iyo papasok sa french type sliding door ay ang kulay buhangin na pader. Ang magkabilang gilid naman nito ay napalibutan ng malaking french window. Makikita mo ang buong tanawin ng dagat pati ang swimming pool at hotel sa di kalayuan.

Ang loob naman ay mayroong mga mahahabang mesa kung saan kami nag almusal kanina. Naroon iyon sa may kaliwang bahagi paharap sa dagat. Itong pwesto naman namin ay nasa kanang bahagi at paharap naman sa bar counter kung saan pupwede kang mag order ng kape o ano mang inumin.

Dahil ngayon lang ako naka punta rito ay hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng gawin sa resort na ito. Kailanman ay hindi ako pumasok sa mundo ng negosyo dahil bukod sa hindi ako marunong sa pagpapatakbo ay wala rin akong interes.

"Yes." sagot ni Master. "Well, let's put it this way... we'll give them hope that they can own this property but let's stir their minds as well." naka dekwatro ito. "I am not planning to sell this property. Malaki pa ang nakukuha ko sa ibang negosyo ko kaya hindi pa ako interesado."

"Anong gagawin mo?" tanong ko.

"We are going to keep in touch with them. I think they are not just planning to buy this resort."

Kumunot ang noo ko.

"Paano mo nalaman iyan? Sigurado ka bang hindi lang yan ang gusto nila?" naintindihan ko ang sinabi niya ngunit may parte sa akin na kulang ang pang intindi ko.

"I am not sure yet. That's why I gave Gabraiel a copy of their personal infos. You read it, have you?"

"Pangalan lang ang binasa ko pero nasabi ni Gabraiel sa akin na bigla lang sumulpot iyang si Mr. Arnault at gusto kaagad bilhin itong resort." sagot ko.

"Glad I gave the copy to Gabraiel first. You never really try to read what's given to you." umiling-iling si Master.

"Tss." tanging nasabi ko.

Sinulyapan ko si Gabraiel na nakatingin na sa akin. Inirapan ko siya saka ay ibinaling ang tingin kay Master.

"Hindi ba't parang delikado itong ginagawa natin?" tanong ko. "Kung hahayaan natin silang magkaroon ng koneksiyon sa atin ay para narin natin silang binigyan ng pagkakataon na ilagay tayo sa alanganin.

"That's not going to happen." sagot ni Gabraiel. Tumingin ako sa kanya. "Ngayon at sila ang mukhang may kailangan sa atin ay gagawin nila ang lahat para pakisamahan tayo."

Tama ang punto niya. Isa sa mga katangian ni Gabraiel ay alam niya kung paano kaagad basahin ang sitwasyon. Magaling mag-isip at hindi padalos-dalos. Tumango ako sa kanya.

"But, of course, all of these are still hunches. " aniya pa. "Consider this as a gamble. We can't tell yet who's gonna win or lose."

"Tayo ang may hawak ng laro." ani Master. Ngumiti siya sa amin. "Don't think too much. Both of you are my alas." tumayo siya at tinapik ang mga balikat namin. "We will talk about this when Vior and all of the guys are here. For now, why not have some little fun?"
saka tinuro ang mga iba't-ibang kulay ng mga jetski na naka hilera sa tabing dagat na ngayon ko lang napansin.

Hindi ko alam kung makakampante ba ako sa sinabi ni Master. Bakit at sa sitwasyon namin ngayon ay pinili niya pang mag libang kami. Gayunpaman ay malaki ang tiwala ko sa kanya. Binabagabag man ang isip ay pinili ko nalang na huwag na iyong idikdik sa utak ko.

Tumayo na si Gabraiel at naunang lumabas bago ako sumunod sa kanya.

"Saktong-sakto ang isputing mo." nananadya kong sabi.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now