Chapter 9

47 3 5
                                    


KAZE'S POV

Panay ang pikit ko ng marahas sa tuwing pumapasok na naman sa alaala ko ang mukha ni Bulldog. Hindi ko makalimutan ang mga sinabi niya nang gabing iyon. Para bang nakatatak na sa alaala ko at hindi mabura.

Kahit anong pilit ko sa sarili na kalimutan na iyon ay hindi ko talaga magawa. Nakakainis iyon lalo pa at may mga dapat akong gawin na mga importanteng bagay. Hindi ako maka pokus dahil sa kanya. Binabaliw ako ng iniisip ko.

Napapikit ako sa pagaalala, kasabay ng pag inom ko nang wine na kanina pa man ay narito na sa kamay ko. Pinalalamig niyon ng husto ang tubig sa bathtub, mag iilang minuto na kase akong nakababad dito at hindi ko alam kung kailan ko gustong umahon.

Ang tingin ay nasa kawalan, nagtatalo ang isip ko kung ano ang uunahin. Iyong matagal ng nasa plano o iyong gagawan ko palang ng plano.

Napabuntong hininga ako, nakagat ko ang labi at napatitig nalang sa kisame. Pakiramdam ko ay napakabobo ko, hindi ko alam ang gagawin!

Muling bumalik sa utak iyong mukha niyang nagmamakaawa sa akin. Kinaiinis ko iyon dahil pinapatay ako ng konsensya ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ako handa sa mga sasabihin niya kapag nalaman niya ang lahat. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Pinapakomplikado niyon ang sitwasyon ko ngayon. Tsk!

Isang nakakabinging gabi ang lumipas. Ramdam ko na ang malamig na sensasyong hatid dala ng matagal kong pagbababad sa tubig. Nabasag lang ang nakakabinging katahimikan nang tumunog ang aking telepono. Sinilip ko kung kanino iyon galing, ngunit hindi kagaya inaasahan ko ay hindi iyon numero ni Master sa pagkakatanda ko.

Kunot noo ko iyong inabot sa gilid, nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba ngunit sa huli ay tinanggap ko nalang.

"Oh? Sino to?" sambit ko sa kabilang linya. Mas lalong kumunot ang noo ko nang marinig ko mula sa kabila ang maingay na musika, iyong lumang kanta.

"Si Gabraiel," sumagot siya sa kabilang linya.

"Ikaw pala...hindi ko inaasahan ang tawag mo." ang inaasahan ko kasing tawag ay mula kay Master, ganitong oras kase ay tumatawag siya sa akin.

"Narito na kami na Master sa Samal, minamanmanan na nila si Kalem. Mamayang alas onse ng gabi ay plano nilang hulihin siya. Pinapasabi ni Master na sumunod ka dito, kailangan nila Rex ang tulong mo."

"Ganoon ba? Sige, sabihan mo silang hintayin ako." huling sabi ko bago ko binaba ang linya.

Pabuntong hininga akong umahon sa bathtub saka ko inilapag ang baso ng wine sa may lababo. Kumuha ako ng roba at ibinalot iyon sa aking katawan. Matamlay akong lumabas ng banyo at kaagad na dumiretso sa kwarto. Mabilis akong nagbihis at inayos ang sarili.

Naupo ako sa vanity table at tinitigan ang sarili sa salamin. Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong to. Hindi ko hahayaang masayang lang ang buwan na pagpaplano. Kailangan ay sa mas lalong madaling panahon ay mabigyan na namin ng sagot at sulusyon ang lahat.

Marahas kong hinablot mula sa cabinet ang itim na jacket at sinuot iyon. Simpleng t-shirt lang ang nasa loob niyon, kapares ang itim na cargo pants at snickers ay lumabas ako ng condo na may nakasukbit na Ruger SR22 sa loob ng jacket ko.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now