Chapter 7

49 6 10
                                    


Nanlulumo kong naihakbang ang mga paa. Sana ay hahabol pa sa kanya. Ngunit sa huli ay nagbaba nalang ako ng tingin at nagpakawala ng marahas na hininga.

Hindi niya ako pinansin.

Paulit-ulit iyong naglaro sa isip ko.
Napako ang tingin ko sa papalayong bulto niya. Nang hindi ko na siya makita ay naisandal ko ang sarili sa railings na nasa gilid ng pool na para bang wala akong lakas na sundan siya. Mukhang ngayon ay hindi na pwede, hindi ko alam ang gagawin.

Isang minuto kong pinagmasdan nalang ang buwan, saksi iyon sa lahat ng nangyayari sakin.

Nag desisyon akong lumakad na at pumasok nalang sa function hall. Diretso ang lakad kong tinungo ang lamesa. Naroon na nga si Kate at umiinom na ng beer.

Blangko ang mukha kong tumungin sa harap, sino man sa kanila ay hindi ko tinapunan ng tingin.

Tinapik ko ang balikat ni Kate na siyang mabilis na pag-angat ng tingin niya sakin.

"Oh? Saan ka ba nagsusuot?" aniya.

"Aalis nako," tipid kong sabi. Napatingin sakin si Jax at Rex. Si Rex na ngayon ko lang naalalang nandito nga rin pala.

"Bakit?" tanong ni Jax.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay sumenyas nalang na uuwi na ako. Si Rex naman au tumayo na at nauna ng lumakad sakin ng walang paalam.

Sa huling beses ay napasulyap ako kay Bulldog na ngayon ay nakatingin na sa akin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at inasikaso iyong babaeng katabi niya.

"Kaze?" rinig kong tawag ni Jax, ngayon ay nakatayo na pala at hinihintay ako. Tumango ako at tahimik na tumalikod sa kanila.

Pinilit ang sariling huwag ng lumingon pa.

******

ZAIN'S POV

Akala ko ay ordinaryong gabi lang ang masasaksihan ko. Iyong tipikal na gabing parati kong nararanasan.

Kaya pala ay ayaw ko talagang sumama dito noong una, dadating pala siya.

Hindi ko inaasahang muli kaming magkikita.

Nang umalis na siya ay pinigilan ko ang sariling huwag ng tumingin sa kanya. Dumaragdag lang iyon sa galit ko. Akala ko ay ayos na ako, ayos naman na talaga. Maayos na ako kung wala siya. Ngayong bumalik siya ay galit lang ang nararamdaman ko sa kanya. Tss, sana ay hindi na siya nagpakita.

Sa limang taong hindi namin nakita ang isat-isa ay masasabi kong kaunti lang ang nagbago sa kanya. Siguro ay iyong height niya, mas tumangkad siya. Bukod doon ay wala na, tipikal at ganoong aura. Ganoon parin ang panlasa niya sa damit, tono ng pananalita at kilos niya. Walang nagbago doon, maging ang mukha niyang napakaangas.

Lahat yon ay walang nagbago, nakakainis at naalala ko iyong una kaming nagkita noon. Nakakainis at nakita ko pa siya ngayon.

Isa lang ang naglalaro sa isipan ko. Iyon ay ang tanong na kung ano ang ginawa niya sa loob ng limang taon. At kung ano ang nangyayari sa kanya, napansin ko kasi iyong kamay niyang namumula at may mga pasa. Alam ko kung saan galing ang mga iyon, sa suntok. Maging ang mukha niya, napuna kong mayroon ring sugat.

Hindi makapaniwala akong natawa sa isip ko, hanggang ngayon parin ba ay nakikipag basag-ulo ang babaeng yon? Tss.

Nandito na naman ako, palagi nalang, palaging may tanong tungkol sa kanya. Hanggang ngayon ay nagtatanong tungkol sa buong pagkatao niya.

Napailing ako sa naiisip. Dapat ay hindi ko na problemahin to. Wala naman na akong pakialam sa kanya.

Disgusto nalang ang nararamdaman ko, ayaw ko siyang makita.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now