Chapter 18

31 2 8
                                    

ZAIN'S POV

Sa nakaraang mga araw ay iba-iba ang mga nangyari sa akin. Hindi mawawala ang mga nakasanayan ko nang gawin at syempre may nangyari ring masasabi ko na bago sa akin.

At nararanasan ko lang iyon kapag kasama ko si Shitzu. Hindi naman maikakaila na kakaibang saya at pakiramdam talaga ang dulot niya sa akin. Whenever she's beside me, I can only feel joy and excitement. Kakaiba. Walang salita ang makakapaliwanag niyon.

Ngunit sa mga araw na kasama ko siya ay naiisip ko na tila ba walang nangyayari, walang nagbabago. Hindi ko naman masasabing nagmamakaawa ako ng atensiyon sa kanya. It's just that, I still cannot read her. Hindi ko parin napapasok ng tuluyan ang buhay niya. I know, I have said it before na it is okay if I don't get involve in her personal life knowing na she's secretive, mysterious and interesting.

Pero, hindi eh. Hanggang ngayon ay malaking katanungan parin kung ano ang pagkatao niya. Hindi ko siya kilala ng lubusan. But I tend to accept it, na tatanggapin ko nalang. At maghihintay sa panahon na iyon.

Today is Monday, at sa mga nakalipas na araw ay nakalimutan kong dadating pa nga pala ang araw na ito. I enjoyed the weekend so much na nakalimutan kong stressful pala ang araw ng Lunes.

Maaga akong dumating sa campus kaya ay pakiramdam ko napakatagal ng takbo ngo oras. Ngayon ay nasa loob pa ako ng classroom at hinihintay na matapos ang lecture ng prof namin.

Naalala ko rin na graduating na ako ngayon taon na ito at patapos na rin ang 2nd semester. Hindi naman sa nakakalimutan kong graduating ako, sinong makaklimot niyon. Mas lalo lang iyong naging importante sa akin ngayon. Na kailangan ko itong pagtuunan ng pansin. Lalo pa at hindi ko pa na finalize ang thesis ko. Tsk!

"Okay...since patapos na ang semester n ito, I don't have any instructions aside sa thesis ninyo. Starting next week, pasahan na ng thesis and I hope na you guys are working on it. Okay? That will be all. Class dismissed." anunsyo ni prof bago ito lumabas ng room. 

Sumulyap ako sa maliit na wall clock sa harap at nakitang mag aalas dose na. Sa araw na ito ay hanggang ala una lang ang klase ko. Mabuti at maagang natapos ang professor namin sa pag di-discuss kaya ay maaga akong makakauwi. Ayos at magkakaroon pa ako ng time para ma finalize ang thesis ko lalo na at ilang linggo na iyong nakatambak lang sa laptoop ko nang hindi ko nache-check.

Napakamot ako sa ulo nang maalala kong pa chill chill lang pala ako sa mga nakaraang araw. Tsk!

Tumayo na ako upang mag lunch sa kung saan. Hindi koo rin nakita ngayong araw sina Psalm at tanging si Nathan lang ngunit pansin kong abala rin siya. Kaya ay mag isa lang siguro akong kakain ngayong araw.

Nang makalabas ako nang room ay napatigil ako sa paglalakad. Iniisip kung uuwi ako at doon nalang mag lu-lunch  di kaya ay kumain sa fast-food. Sa huli ay naglakad nalang ako nang hindi iniisip kung saan nga aba ako pupunta.

Nakita ko ang sarili kong tinatahak ang daan palabas ng campus. Tutungo ako sa parking lot at sa huli ay naisipan ko nalang na umuwi sa condo.

HIndi pa man ako nakakalayo sa field ay narinig ko nang may tumawag sa pangalan ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Grace na lakad-takbo ang ginagawa upang makahabol lang sa akin. So, I decided to stop for a while and wait for her. Simula noong insidente sa mall ay hindi ko na muli siyang naka-usap. Umuwu din kasi kaagad ako nang umalis si Shitzu doon.

"What's up?" ako na ang unang nagsalita nang tuluyan siyang makalapit.

Tipid na ngiti ang sinukli niya sa akin saka ay pasimpleng hinawi ang buhok niyang nakatabon sa mukha niya. 

"Uhmm...can you go out with me?" sambit niya saka ay pinagsiklop ang palad.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya ay natawa ako ng bahagya. Magsasalita na sana ako nang bigla ay napatakip siya sa sariling bibig.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now