ZAIN'S POV
Ngayon ay araw ng Martes, nasa school ako ngayon dahil inaasikaso namin iyong mga dapat kong ipasang requirements para sa pre-commencement exercises na gagawin ilang araw nalang mula ngayon. To be honest, I feel relieved because I'll finish school days from now but I also know deep inside me I long for something. My decision helped me focus more on my acads, naging mas pursigido ako at totoong naka focus ako pero sa totoo lang, hindi yon ang gusto ng puso ko pero iyon ang kailangan.
Napabuntong hininga nalang ako sa iniisip. Lumabas na ako ng office at napagdesisyunang dadaan nalang sa bahay nila Nathan mamaya. Kahapon kasi ay nagkita kami at nagyaya siyang sa bahay nila tumambay dahil nag out of town raw ang parents niya. HIndi naman kami makatanggi kaya pinagbigyan nalang namin.
Sa daan palabas ng Y building ay nakasabay ko si Grace. Kaagad siyang ngumiti sa akin kaya ay nginitian ko rin.
"Hi, Zain. Inaasikaso mo ba yung requirements mo for the pre-commencement?" tanong niya habang nakatingin sa papel na hawak ko.
"Ah yeah...ngayon kasi ang schedule namin. It's hard to miss the sched...mahirap makipag-usap sa mga officers at mga faculty." sagot ko.
"You're right..." ngumiti siya.
"Uuwi ka na ba?" tanong ko.
"Yes, susunduin ako ni ate. Ikaw?"
"Uuwi na rin...ano, sabay na tayo sa parking area?" alok ko.
Tumango siya at sabay nga kaming naglakad papunta sa parking lot. Hindi kami masyadong nag-usap sa daan hanggang sa makarating kami. Pagpasok namin sa parking ay nakita niya na kaagad ang sasakyan ng ate niya kaya ay hinatid ko na siya doon. Ngumiti lang ako saka sila nagpaalam sa akin at tuluyan nang umalis.
Kinapa ko ang susi ng kotse ko sa bulsa ng cargo jacket ko at initsa-itsa iyon sa palad ko. Nang makarating ako sa tapat ng sasakyan ko ay kaagad ko iyong pinaandar at umalis na. Sa ilang minuto ng pagmamaneho ko ay napansin kong para bang may nakabuntot sa akin. Kanina ko pa napansin noong nasa downtown pa ako at ngayon ay nakasunod parin. Kumunot ang noo ko.
Wala masyadong sasakyan ang dumadaan sa dinadaanan ko ngayon dahil diversion road ito papunta sa bahay nila Nathan. Habang sinusulyapan ko sa rear view mirror ang sasakyang kulay itim ay napapansin ko talagang sinusundan ako. Nang sa isang iglap ay hindi ko inaasahang bungguin niya ang likod ng sasakyan ko na mabilis ko namang naiwasan. Sinasadya niya talagang ilapit ang sasakyan niya sa akin.
"What the fuck?!" asar na sambit ko at mas binilisan ang takbo. Doon ko na nakumpirma nang pantayan niya rin ang takbo ko. This stranger is crazy. I rolled down my window nang makita kong binuksan niya rin ang salamin ng sasakyan niya.
Ngunit mas lalo akong nagulat nang makitang naka maskara ito habang parang adik na mas tinatapatan ang bilis ng takbo ko.
"The fuck is your problem, man?!" angal ko, malakas ang sigaw ko.
Mabilis kong kinabig pakanan ang sasakyan ko nang akma na naman niya akong banggain. Nagtagis ang bagang ko at lalo kong inapakan ang silinyador hanggang sa tuluyan na siyang maiwan. Ngunit talagang iniinis ako dahil nakabuntot na naman siya sa likod ko. Tsh!
Nang tignan ko sa rear view mirror ay may napansin akong motor na kulay itim at pumapantay din ito sa bilis ng takbo namin. Hanggang sa lumampas iyon sa sasakyan na nasa likuran ko at gulat ako nang tumabi ito sa akin. Napakabilis na ng takbo ko kaya paanong natatapatan niya ito.
"The hell?" gulat na sambit ko.
Ngunit ganoon nalang ang kaba ko nang bigla niyang iliko ang motor sa di kalayuan dahilan upang umusok ang gulong niyon at napahinto ako ng biglaan. Maging ang sasakyan sa likod ko ay napahinto rin dahil sa gitna ng daan niya mismo iniharang ang motor niya.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AksiyonSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...