Chapter 26

15 0 0
                                    


Habang papunta kami sa pwesto namin ay sinalubong kami ni Mr. Arnault nang may malapad na ngiti. Kanina pa man ay namataan ko na siya sa may unahang bahagi ng mga upuan.

"Glad you came." nakipag kamay siya sa amin. "I really appreciate your presence Mr. and Ms. Anderson. And you too...Mr?" tanong niya kay Gabraiel.

"Gabraiel." pormal na sagot ni Gabraiel.

"Ah yes...now that I saw you together with Ms. Anderson I can quite see that you look good together." kumento niya.

Nanatili ang walang emosiyon sa mukha ko. Hindi ako kumibo o nagpakita man lang ng kaunting interes sa sinabi niya.

Naramdaman kong tinapik ako ni Master sa likod. Sumulyap ako sa kanya saka ako ngumiti ng peke ngunit walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.

"Shall we have a seat? I think the event is about to start." pagiiba ni Master sa usapan.

"Of course...of course. Here's your seats...and I'll go there for now to accompany my daughter." ngiti nito sa amin.

Tumango nalang kami nang may pekeng ngiti sa mga labi saka ay nagkatitigan nang maupo kami.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Maganda ang disenyo ng mga mesa na may puting tela na nakabalot. Sa gitna ay may puting mga bulaklak na nakapatong naman sa itim na plato. May mga kandila rin at mga bote ng wine.

Kumpleto ang kubyertos na nakapatong sa itim na tela mula sa platito hanggang sa dalawang uri ng baso. Ang mga pundasyon ng gusali ay nababalutan ng mga artipisyal na puting bulaklak at maliliit na lampara.

Sa gitna ay ang katamtamang laki at haba ng entablado kung saan naroon ang host ng event at ang mga kasali rito.

Hindi ako nalibang man lang dahil hindi ko alam kung ano ang ipinunta namin dito. Para bang inimbitahan lang kami dahil may handaan. Tss.

Napukaw lang ang atensiyon ko nang lumapit sa mesa namin si Crista.

"You look great!" kumento niya sa akin at pinasadahan ako ng tingin.

Ito ang pinakaayaw ko...ang makipag plastikan.

"Thanks. " tanging nasabi ko, pilit pa.

"We'll have our dinner later after this psrt of the program. But don't worry, you can get something to snack on in the bar area...over there and there." itinuro niya ang bandang kaliwa at kanan. Natanaw ko nga doon ang sulok kung saan may mahabang mesa at iba't-ibang pagkain.

Nagpasalamat si Master sa kanya bago siya unalis at bumalik sa pwesto nila. Natanaw ko doon si Mr. Arnault at iyong pamangkin niyang lalaki. May iba pa silang kasama doon ngunit hindi ko kilala.

Maya-maya ay may pamilyar na pangalan akong narinig na tinawag sa entablado. Nagpalinga-linga ako upang hanapin ang nag mamayari ng pangalan na iyon.

"Ms. Olivia Hendrix." anang host sa na nasa kaliwang parte ng maliit na entablado.

Nagtaka ako nang makita kong pumunta sa gitna ang ginang. Hindi ako hibang at nakumpirma kong ina iyon ni Zain. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon dahil baka posibleng nandito rin si Zain.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng malaking silid ngunit bigo akong makita ang mukha ng hinahanap ko. Hindi man nila sinasabi ngunit alam kong napapansin ni Master ang ikinikilos ko.

Natapos nang magsalita si tita Olivia, binigyan ito ng certificate at pagkatapos ay kaagad naman itong bumaba sa maliit na entablado. Nagpatuloy ang programa hanggang sa matapos ito sa unang parte. Nag announce na ang host na pwede nang kumain at makipaghalubilo sa mga tao sa loob.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now