Chapter 31

14 0 0
                                    

Kalaunan ay natapos rin ang salo-salo ng pamilyang Arnault at Tanis. Nang gabing iyon ay pormal niyang inanunsyo ang planong pagpapakasal sa ka isa-isang anak na babae ni Mr. Arnault.

Samantala, ang di maipintang mukha ni Claude ay naroon parin hanggang sa magpaalam ang dalawang mag kapatid sa mansion nila.

Masayang kumakaway si Mr. Arnault sa papalayong si Israfel nang bigla itong huminto hindi pa man nararating ang sasakyan.

"What's wrong?" takang tanong ni Mr. Arnault.

"I forgot something..." ani Israfel na kaagad bumalik sa pwesto nila at bigla ay marahan na hinalikan si Crista sa pisngi.

Dampi lang iyon ngunit naghatid kaagad ito ng inis sa buong katawan ng binatang si Claude. Minsan pa silang nagkatinginan ni Israfel hanggang sa ito ay muling naglakad paalis.

"Let's go inside." utos ni Mr. Arnault sa dalawa na siyang sinunod naman nila. Nagpaalam ang matanda na papasok na ito sa sariling silid.

"Goodnight, dad." sambit ni Crista pagkatapos ay umakyat na ng tuluyan sa ikalawang palapag ng mansiyon ang kanyang ama.

"Are you okay, Claude?" anang dalaga nang mapansing panay ang irap ni Claude na ngayon ay naroon sa likod niya.

"Yeah..." tipid na usal nito saka siya napatitig sa dalaga.

"Did you two went on that island?" kapagkuwan ay tanong ng binata.

Nagtataka man ay marahang tumango si Crista. Nagugulumihan sa biglaang tanong na narinig.

"Yes..." kaagad na sagot nito. "I already told dad about that."

"When did you two started dating?" bahagyang lumapit si Claude kay Crista. "It's only 6 months Crista and you agreed to marry him?" mahinang tanong nito.

"When did you start to ask me about the things that I do?"

Halos hindi makatingin sa kanya ang binata. Tama nga siya, kailan pa siya nagsimulang mag tanong sa kung ano ang nangyayari sa buhay niya.

"Am I not allowed to ask you?"

Umiwas ito ng tingin. "I love him."

"No, you dont." matigas na sagot ni Claude.

"Stop saying things like that, Claude." hinarap siya ng babae. "I am going to marry him."

"No you're not!" hindi na mapigilan ni Claude ang inis sa boses niya. Kahit itago niya man ito ay hindi rin mag tatagal. "You only met him for six months. That's ridiculous!"

"How dare you!" nangingilid ang luha na sambit ni Crista kapagkuwan ay sinunod nito ng sampal si Claude na siyang mabilis namang nasalo ng binata.

Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ng dalaga. Pinakatitigan nito ang mga mata niya na mabilis nitong iniwasan.

"Look at me..." utos ni Claude ngunit hindi niya ito sinunod.

Ramdam na ramdam niya ang humahangos na hinga ng binata dahil sa inis nito.

"Look at me, Crista." nagmamakaawang sambit ng binata ngunit wala siyang tugon na natanggap mula sa dalaga.

Isang impit na hikbi ang kumawala sa bibig ng dalaga na siyang dahilan upang bitawan niya ito mula sa mahigpit na pagkakahawak.

"Im sorry...." sinserong anito ngunit kaagad na tumakbo si Crista palayo sa kanya.

Napapikit sa inis at pagkabigo si Claude at padabog na umupo sa malapad na sopa. Inis niyang sinbunot ang sariling buhok at napayuko sa pagitan ng dalawa niyang hita.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now