Chapter 8

44 6 7
                                    

KAZE'S POV

Pinanood kong lumakad palayo si Bulldog. Hindi ko mapigilang matawa sa kanya. Alam ko kung bakit siya naroon sa tubig kanina.

"Bat ka tumtawa diyan?" boses ni Kate nang magsimula na kaming lumakad pabalik sa hotel.

"Ha?" tanging nasabi ko, hindi ko namalayang kumawal pala iyong tawa sa mga labi ko. "Wala." tanging naidagdag ko.

Sinadya naming bagalan ang lakad, pinauna namin sina Luke at Nathan kasama iyong babae, Grace daw ata ang pangalan. Tss.

Tinignan ko si Kate nang patigilan niya ako sa paglakad.

"Bakit?" nasabi ko.

"Anong nangyare don?" tanong niya at ininguso ang papalayong bulto ni Bulldog.

"Hindi ko alam, bigla ay tumalon nalang sa dagat. Tch." natatawa paring sambit ko. Nakagat ko ang labi.

"Weh??"

"Oo nga, nong nag dive ako ay maya- maya tumalon din siya. Ewan." sinabi ko nalang.

Tumango tango naman si Kate na animo'y prinoseso ang sinabi ko.

Nang pumasok kami sa hotel ay nadatnan namin sina Luke at Jax na nag uusap doon. Nang dumaan ako sa harap nila ay ramdam ko ang pagsunod ng mga tingin nila.

"Magpapalit lang ako ng damit." paalam ko sa kanila at dumiretso na sa itaas. Nang paakyat ako sa hagdan ay nakasalubong ko si Grace, kakaiba ang tingin niya sa akin. Tuloy ay wala sa sarili kong nakunot ang noo.

Isang mabilis na iglap ang ginawa ko at mabilis na nilagpasan siya. Patakbo kong inihakbang ang aking paa nang sa gayon ay mabilis ko ring napasok ang sarili kong silid.

Hindi na ako nag atubili pa at diretso nang naligo sa banyo. Naging mabilis lang ang pagligo ko. Nang tignan ko ang aparador ay doon ko lang naalalang wala na pala akong damit na maisusuot maliban doon sa binigay ni Kate sakin. Tsk!

Nakangiwi kong tinignan ang isang pirasong shorts na sa paningin ko ay masyadong maikli. Kapares non ang isanf puting t-shirt na siyang tanging nagustuhan ko lang.

Inis kong kinuha ang short saka ko iyon sinuot. Nang tignan ko ang repleksyon sa salamin ay wala nang mas ipapangit pa iyon.

Bukod sa hindi ako nagsusuot ng ganon ay talagang maikli siya. Kinulang sa tela. Naisipan kong humiram kay Kate ng damit ngunit nasa baba siya. Naiwan ko rin ang telepono ko doon sa yate kaya't walang paraan upang matawag ko siya.

Labag mab sa kalooban ko ay hindi ko na iyon hinubad sa halip ay isinuot ko na rin iyong t-shirt.

Mabagal at marahan ang bawat hakbang ko palabas ng kwarto. Sa sobrang ayaw ko sa suot ko ay para bang lahat ng parte ng katawan ko ay makati. Iyon bang nakakaramdam ka ng asar sa buo mong katawan. Tsk!

Nang bumaba ako ng hagdan ay kaagad kong tinungo ang back door ng hotel. Doon ako dumaan upang sana ay tawagin si Kate ng patago ngunit sa hindi inaasahan ay naroon pala sa pool area ang mga kupal. Dito kase sa may bandang likod naka pwesto iyong pool, dito kung saan kitang-kita ako mula sa kinatatayuan ko!

Ayoko pa namamg makita nilang ganito ang suot ko. Tsk!

Natahimik silang lahat, naiinis akong nagbaba ng tingin saka inis na ipibikit ang aking mata.

Panira!

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko saka ko muling inangat ang paningin. Mas lalo pa ako nainis nang magtama ang paningin namin ni Jax na ganoon nalang kalaki ang ngisi. Pambihira!

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now