Lumapit sa akin si Master at kaagad akong pinatayo.
"Get up..." aniya at inalalayan ako.
Masakit man ang ilang parte ng katawan ko ay pinilit kong tumayo ngunit bago pa man kami tuluyang makaalis ay narinig naming nagsalita si Kalem.
"B-bukas...makikita mo kung ano ang kaya ko pang gawin." hirap man na magsalita ay nagawa niya paring ibuka ang bibig niya.
Matalim ang titig ko sa kanya at pinasadahan ng tingin ang kalagayan niya.
"Itikom mo nga iyang bibig mo." kalmado bagaman nagbabantang sabi ko. "Pwede ba? Itatak mo sa utak mo na kailanman ay talo ka."
Dahan-dahan siyang ngumisi...ngunit hindi iyon abot sa tenga niya. Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Claude. Kaagad na hinanap ng mga mata niya si Kalem saka niya ito nilapitan.
"Look...the hero is here." mahina ang pagkakasabi niyon ni Kalem.
"Shut up...you can barely breathe and yet you're talking."
"That's enough Claude." pigil ni Master, "Let's get out of here immediately."
Muli kong pinasadahan ng tingin si Kalem.
"Kahit paulit-ulit pa tayong magkita... paulit-ulit din kitang ibabalik sa ganyang kalagayan." seryoso ang boses ko. "Tingnan mo nga iyang lagay mo...hindi ka ba naaawa sa sarili mo?"
"Bakit hindi mo nalang ako patayin, ha? nang mawala na ako sa landas mo." pabulong niya nang sabi.
"Huwag mo akong subukin, Kalem." banta ko.
Gaano ko man kagustong patayin siya ay hindi ko iyon magagawa. Hindi pwede dahil ako ang magbabayad ng kasalanan na iyon.
"Barilin mo na ako!!!" sigaw niya.
"Kaze, let's go!" si Master ngunit hindi ko siya nilingon sapagkat mataman parin ang titig ko kay Kalem.
"Kaawa-awa ka..." ngisi ko, "bakit ngayong naghihirap ka na ay ikaw lamang mag-isa?"
Sumama ang mukha niya.
"SHUT UP!!!" napakalakas ng sigaw niya, hindi mo akalaing nanghihina na sa dami ng dugo na lumalabas mula sa sugat niya.
"Nasaan na ang lalaking iyon? Bakit hindi mo rito papuntahin, ha?"
"Huwag mo sabihing... ginamit ka lang niya?" nanunuya ko pang dagdag.
"You don't know everything!" aniya humahangos na.
"Then... tell me what I should know." blangko kong sabi.
"As long as I'm alive...none of you will experience peace in your life, Kaze..." iling niya, "I-I will make sure...that all of you!!!" huminga siya ng malalim..."All of----"
Ganoon nalang ang reaksyon ko nang marinig ang isang putok ng baril mula kay Gabraiel. Napaiktad si Kalem at blangko ang matang nakatingin sa kawalan nang maramdaman niya ang sakit ng tama ng bala.
Tumingin ako kay Claude na ngayon ay hindi ko mabasa ang emosiyon sa mukha niya. Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa baril.
"Let's go, Kaze..." si Master ngunit hindi ko siya pinakinggan.
Napako parin ang tingin ko kay Claude. Nagtataka at hindi makapaniwala.
"Kaze, I said let's go!" ramdam ko ang paghila ni Master sa braso ko palayo kay Kalem. "Let's get out of here, quick!"
Ilang segundo pa bago ako sumunod sa sinabi ni Master. Mabilis ang kilos naming bumaba ng hagdan.
"Where is mr. Arnault?" tanong ko nang mabalik sa huwisyo.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AksiSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
