THIRD PERSON'S POV
"Have you lost your mind?!" sigaw ni mr. Arnault kay Crista nang mag makaawa itong patayin nalang siya.
Hindi makapaniwala si mr. Arnault nang marinig niya iyon sa dalagang anak niya. Ilang gabi na itong umiiyak at dahil doon ay hindi makatulog ang matanda dahil bukod sa maingay ay may ibinubulong rin ang konsensiya niya.
"I'm doing this for your sake!" aniya pa at akmang hahawakan ang anak ng lumayo ito sa kanya.
"Tell me how this!..." itinuro nito ang sarili na para bang ipanapakita ng maayos ang sitwasyon niya. "This..." mariin niyang sigaw. "Is for my sake! You only think about yourself. None of this is for me!" iyak nito. "You are a selfish liar---"
Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin dahil nangibabaw na ang malakas na hampas ng kamay ni mr. Arnault sa mukha niya. Para bang natigilan siya sa lakas ng pagkakasampal nito. Hindi kaagad siya nakapagsalita sa halip ay impit na umiyak.
Hawak ang pisnging namumula ramdam niya ang sakit nito.
"Open that mouth and I will punish you again!" seryosong sambit ni mr. Arnault saka ito umalis at iniwan ang kanyang anak.
Sa kabilang sulok naman ng bahay ay naroon si Kalem at malademonyong nakangiti nang makita ang kalagayan ng dalaga. Saka siya sumunod sa kinaroroonan ni mr. Arnault.
Nang lumabas siya sa likod ng lumang bahay ay nasaksihan niya ang matanda na nakaupo sa isang pahabang upuan na gawa sa lumang kahoy. Ang kinaroroonan nila ngayon ay ang lumang bahay ng mga Arnault noong hindi pa sila ganoon ka yaman. Nasa parte ito ng siyudad kung saan hindi pa ganoon karami ang mga kabahayan. Kung tutuusin ay luma na ito at hindi na kaaya-ayang tingnan ang loob at labas ng bahay.
Pinanoon ni Kalem ang matanda na ilabas ang hawak niyang tabako at sinindihan ito. Sa isang iglap lang ay namula na ang kabilang dulo nito. Ibinuga ni mr. Arnault ang makapal na usok nang maagaw niya ang atensiyon nito.
"Want some?" ani mr. Arnault at inilahad sa kanya ang isang kahon na laman ay puro tabako.
Tinanggap iyon ni Kalem at kinuha ang inlihad ding pansindi. Marahas niya iyong ibinuga at napatingin sa kalangitan na ngayon ay nababalot ng mga bituin.
"How peaceful." kumento ni mr. Arnault. "I wish I could sleep in a peaceful night."
"Well, you can." tumingin siya nang magsalita si Kalem. "After we get rid of the two Alarie. It icks me seeing them alive." parang baliw siyang natawa.
"If only you see how much Israfel hates them." seryoso ang boses ni mr. Arnault. "He hates them so much that it made him the way he is right now."
"I'm waiting for the right time. And if that time comes I will not let it slip through my hands." napatiim bagang si Kalem. "That's why If that Claude breaks from what we agreed..." humina ang boses nito. "I'm sorry mr. Arnault but I have to use your daughter to make things right." malademonyo itong ngumisi.
Sa loob ni mr. Arnault ay may hatid na takot ang sinabi ni Kalem ngunit hindi nito pinahalata dahil alam niya na sa kanilang dalawa ay wala siyang magagawa.
"Tell Israfel to come." ani Kalem. "Let him see his supposed to be bride." pang-aasar niya pa at nilingon ang dalaga.
Naroon ito sa sulok at tila ba naubusan na ng lakas. Nakamukmok na ito at nasa malayo ang tingin.
Muli niyang hinapak ang tabako at marahan iyong ibinuga. Si mr. Arnault naman ay hindi na nagsalita at nakatanaw lang sa malayo. Kitang-kita mula sa pwesto nila ang dagat ng mga ilaw na naroon sa siyudad.
"He said that he's coming only if Claude shows up." ani mr. Arnault. "You know him, someone has to pay the price for not obeying him."
"I am wondering if right at the beginning Claude has planned all of this." ani Kalem. Iyon ang unang pumasok sa isip niya noon pa man nang makita niyang tinulungan nito si Kaze noong nagka engkentro sila.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AcciónSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...