Chapter 33

8 0 0
                                        

THIRD PERSON'S POV

Nakaupo si Crista sa labas ng kanilang mansiyon. Hindi maipinta ang mukha ng dalaga habang hawak-hawak ang isang baso ng whiskey. Malamig na ang gabi ngunit hindi niyon ramdam ng dalaga dahil sa mainit na sensasyong hinahatid ng alak sa katawan niya.

"I can't believe that woman." anito sa matinis na boses. Mag-isa siyang umiinom sa patio ng kanilang swimming pool. Napakatahimik ng paligid dahil may kalakihan ang lugar na iyon ng mansiyon nila . Nagiisa siyang pinagmasdan ang kalmadong tubig at mga ilaw sa pool.

Napasulyap siya sa teleponong naroon sa mesa, kinuha niya iyon at napatigil nang titigan niya ang pangalan ng lalaking mapapangasawa niya. Kanina pa man ay panay na ang tawag nito upang manghingi ng update sa lugar kung saan gaganapin ang kasal nila.

Napaisip si Crista...totoo nga namang mas marami pang lugar na mas maganda bukod doon ngunit hindi siya ang makakapagdesisyon niyon dahil sa kanilang dalawa ng nobyo niya ay iyong lalaki ang palaging nasusunod.

"Why are you here out in the cold?" boses ni Claude na kalalabas lang mula sa pinto ng kusina. Tinanaw niya ito at inilingan. Pinanood niyang lumapit ang bulto nito hanggang sa tumigil si Claude sa paglalakad at pumwesto sa pool deck na naroon sa kabilang parte ng swimming pool. 

Pinanood niya itong hubarin ang suot na puting t-shirt at ang tanging naiwan ay ang itim nitong shorts. Tumambad sa kanya ang malaki at perpekto nitong katawan. Nagtama ang paningin nila kaya ay mabilis itong iniwasan ni Crista. 

Walang ano-ano ay pabulusok itong sumisid sa swimming pool. Pinanood niya ang gwapong mukha ni Claude nang umahon ito sa gitna. Nagulo man ang kulay tsokolate nitong buhok ay kaaya-aya parin iyong tignan. 

"How long have you been here?" tanong ni Claude nang makaahon na ito saka ay dinampot ang tuwalyang naroon sa paanan ng upuan kung saan nakapwesto si Crista. 

"An hour...I want to clear my mind." sinserong anito. Dahil iyon naman ang totoo. 

"Clear your mind from what?" tinitigan siya ni Claude saka ay pumwesto ito sa paanan ng pahabang upuan kung saan naroon din si Crista. 

"My wedding is just a few days from now. I can't feel the excitement because all I feel is frustration."

"I told you he's a jerk." batid ang inis sa boses ni Claude.

"Don't say that, he's my fiancé." may bahid din ng inis ang boses ni Crista.

"He didn't even bother to check on you. Tss." marahas na hinablot ni Claude ang tuwalyang nakasabit sa leeg niya.

Batid ni Crista ang inis sa katawan niya dahil sa sinabi ni Claude ngunit may punto rin ang binata dahil hindi man lang niya nakasama ang kanyang kasintahan dahil palagi itong busy. HIndi man lang nito kinamusta ang dalaga at ang palagi nitong bukambibig ay may ginagawa siyang importante para sa kasal nila. Ngunit hindi iyon ramdam ni Crista dahil ni hindi man lang ito nangamusta o di kaya ay nagpakita ng interes na magtanong ng mga detalye sa kasal nila.

"He's busy." mapakla ang boses ni Crista.

"He's not." kaagad na sambit ni Claude. "If he truly loves you...it's not me who's here listening to your frustrations." 

"What are you trying to say?" tinitigan siya ng dalaga.

Nagbuga ng marahas na hangin si Claude. "Do you really think he's gonna marry you?" 

Nakita niya ang gulat sa mukha ni Crista. Hindi makapaniwala itong umiling kapagkuwan ay nagsalita.

"What made you say that?!" galit na bulalas nito.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now