Makalipas ang ilang linggo ay hindi naging madali para sa akin ang manatili rito sa resort. Pakiramdam ko ay hindi kami ligtas. Mas lalo ring nagpahirap sa akin ang pakikipaghapubilo kay Mr. Arnault.Panay ang punta niya rito upang kausapin si Master na rentahan itong lugar. Hindi ko naman alam kung ano ang naging desisyon ni Master dahil ngayon ay madalang ko nalang siyang makita. Ang mga utos niya ay si Gabraiel ang nagsasabi sa akin. Hindi rin siya umuuwi rito at ang dahilan daw ay inaasikaso niya ang trabaho niya.
Naiintindihan ko naman siya dahil halos itong problema nalang namin ang inaatupag niya sa loob ng ilang buwang pananatili namin dito.
Kailanman ay hindi na rin ako pumunta ng siyudad. Ngunit sa loob ng ilang mga araw na pananatili ko rito ay hindi mawala sa isip ko si Zain. Kung kumusta na ba siya at kung ano ang ginagawa niya. Pero wala akong magawa dahil nirerespeto ko ang desisyon niya.
"Kaze," tawag sa akin ni Gabraiel. Narito kami ngayon sa unang palapag ng hotel. Nakaharap siya sa laptop at abala sa pagtingin ng kung ano mang pinadalang dokumento o mensahe ni Master.
"Oh?" tugon ko nang hindi siya nililingon. Abala ako sa iniinom kong margarita habang tumitingin sa dalawang ibon na naglalaro sa dalampasigan.
Halos salamin kasi itong nakapalibot sa hotel kaya ay tanaw na tanaw ko ang nasa labas.
"Your brother wants you to go there." aniya na tinuro iyong nasa kabilang banda na function hall.
Napairap ako. Ano't kailangan pa ako upang salubungin sila. Nabuburyo lang ako sa mga pagmumukha nila. Sa ganitong kinikilos ni Mr. Arnault ay mas lalo akong nagdududa sa kanila. Tss.
"Ngayon na?" sambit ko. Hindi niya magawang tawagan ako dahil naroon ang telepono ko sa kwarto. Tumango naman si Gabraiel na siyang inirapan ko. .
Umalis na ako at naglakad patungo sa function hall. Nasisilaw ako sa repleksiyon ng araw sa salaming bintana niyon kaya ay inis kong tinakpan ang mga mata. Nang makapasok ako ay kaagad kong nakita si Master na nakatayo malapit sa island counter.
Umayos siya ng tindig at sumilip sa relong pambisig niya. Ilang sandali pa ay nakita ko siyang namulsa at lumakad bigla.
"They've arrived." aniya na itinuro ang labas. Nang lumingon ako ay naroon si Mr. Arnault kasama si Claude na naglalakad patungo sa kinaroroonan namin.
Inis akong napailing. Nakakainis iyong kulay asul niyang business suit dahil hindi iyon bumagay sa kanya. Matangkad at mahahalata mong hindi siya pinoy. Sa kutis at kulay palang ng buhok ay napakabanyaga niya. Magkaiba naman sila ng mukha ni Claude, si Claude ay halatang pinoy dahil sa kutis niyang kayumanggi. Mas maliit siya ng kaunti kay Mr. Arnault na di hamak na mas matanda sa kanya.
Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ni Mr. Arnault. Maging si Claude ay maaliwalas ang ngiti nang bigla kaming magkatinginan na siyang dahilan ng mas malapad niyang ngiti.
"It's really nice to feel the breeze of nature." kumento ni Mr. Arnault habang nakikipag kamay kay Master. Ako naman ay tahimik lang na nanatili lang sa pwesto. "It's nice to see you, Mr. Anderson." anito saka ay nginitian kami.
"Mr. Anderson..." nakipagkamay si Claude. "Ms. Anderson." ngiti niya at inalok ang kamay ngunit hindi ko iyon pinansin sa halip ay umiwas ako ng tingin.
Binalingan ako ni Master at pasiring akong tiningnan.
"My pleasure...it's nice to meet you, too." si Master. Kung ako ang tatanungin ay napaka peke ng ngiti niya. Maging iyong lumalabas sa bibig niya. Tss.
Pinanood ko lang silang magkamustahan hanggang sa lumabas sila. Ginigiya sila ni Master papunta sa kung saan. Hindi ko alam kung ano na ang napag usapan nila at hindi pa matigil sa kakabalik dito ang kanong iyan.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
حركة (أكشن)Sequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...