"Ano't may nakasukbit na baril diyan sa pantalon mo?" nawiwirduhan kong tanong kay Master.
Nasa harap kami ngayon ng kanyang silid at hinihintay na mabukas niya iyon gamit ang maliit na key card.
"Nothing. I miss using this." aniya na kumindat pa sakin bago tuluyang mabukas ang pinto at kaagad kaming makapasok.
Rinig na rinig ang tunog ng mga sapatos naming apat sa makapal na sahig na gawa sa kahoy. Ito lang ang tanging silid na ganito ang sahig, pinasadya niya pa siguro. Kung ano man ang dahilan ay hindi ko sigurado. Tss.
"Hmmm, crunchy." biro ni Jax na makailang beses pang pinadyak ang dalawang paa sa sahig.
Pareho kaming natawa ni Rex, nagkatinginan saka ay nakangiwing umiling. Si Master naman ay animo'y nawiwirduhan sa amin. Naroon at nakaupo na sa kanyang trono. Kakaiba ang hugis ng kanyang silya, kagaya niyong sa mga antigong upuan na gawa sa di ko malamang materyal. Tila ba korteng apoy ang backrest niyon. Magkahalong pula at itim ang kulay at masasabi kong maganda sa mata.
Habang sina Jax at Rex naman ay mas piniling umupo sa kaharap kong settee samantalang ako ay nakapuwesto sa may kalakihang couch chair.
Naagaw ni Master ang atensyon naming tatlo nang bigla siyang tumayo at kumuha nang inumin sa katabi niyang cellarette. Naroon ang koleksyon niya ng whiskey, wine at kung ano pa.
Alam kong hindi niya iyon iinumin. May kayabangan lang talaga at inilabas niya. Hindi makapaniwala akong umiling ng may kabagalan. Tss.
"Pwede na ba nating simulan ang usapan?" tanong ko, nag papalit-palit sa kanilang tatlo ang mga titig ko.
"Yeah, I just prepared my wine." sagot ni Master na nagsalin kaagad ng bino sa kanyang baso.
"Mahaba-haba ba ang pag-uusapan natin at kailangan mo ng panulak?"
"Cut the attitude, Kaze." halata ang panunuway sa boses niya.
Napabuntong hininga nalang ako at itinaas ang parehong kamay sa ere, sumusuko.
"Alright." sambit ko.
"Naalala kong mayroon kang nakaengkwentro noong mga nakaraang araw, hindi ba?" bigla ay sumeryoso ang mukha at boses ni Master.
"Oo, meron. Bakit?" sagot ko naman. Tila ba naging baga at mag-aapoy na ang interes ko sa tinuran niya.
Tumango tango siya saka ay mayroon siyang kinuhang kung ano sa ilalim ng lamesa. Isa iyong may katamtamang laki na itim na sobre. May kinuha siya roon at nang makita ko ay kumunot ang aking noo.
"Pamilyar ba?" ani Master na inilapag sa mesa ang isang litrato.
Bahagya akong lumapit at tinitigang mabuti ang mukha ng kung sino mang tao na narito sa litrato. Napahawak ako sa aking batok nang mapamilyaran ko ang mukha nito.
"Ito yong lalaki na sumusunod sakin sa mall...anong meron sa kanya?"
Sunod-sunod namang kinuha ni Master ang iba pang mga litrato na naroon sa loob ng sobre. Nabuhay lalo ang interes sa diwa ko nang makita kong naroon rin siya sa isang litrato kung saan kasama niya ang mga Tanis. Napailing ako sa nalaman. Hindi na nila kialangan pang ipaliwanag sa akin, sapat na itong nakikita ko bilang sagot sa mga katanungan ko.
"Hindi na ako mabibigla, ganoon naman talaga ang kutob ko."
"Sa ating lahat ay ikaw ang may pinakamalakas na instinto, Kaze. Lahat ng sinasabi mo ay posibleng totoo." si Rex.
"He is Hariel Teran, 20, a French student whose major is Psychology. Became friends with Israfel and Nadjeja Tanis since they were in primary. Hariel acts as their guard, informer and so on. Napakarami ng nagawa ng taong ito sa pamilya ng Tanis. Now, here's the fun part..." napangiti siya nang hindi mo mabasa kung ano ang nilalaman saka ay iniabot niya sa amin ang isa pang lumang litrato. "Hariel and Kalem are brothers. At isa iyan sa mga ebidensya na matagal na tayo nilang minamanmanan. Paano? Simple, It's all because of this cunt." idiniin ni Master ang kanyang daliri sa mukha ni Kalem nang ituro niya ito.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...