KAZE'S POVTila ba ay parang matinis na tunog ang bumabalot sa buong paligid. Nakapikit ang aking mga mata at wala sa sarili. Nararamdaman ko ang bawat hapdi at sakit sa buo kong katawan. Hindi ko matukoy kung saang parte ng aking katawan ang napuno ng sugat o pasa.
Napapapikit ako sa bawat paghinga ko. Maging sa kaloob-looban ng aking kalamnan ay ramdam ko ang sakit. Hindi ako makahinga dahil nang sumunod na buga ko ay nalasahan ko ang dugo mula sa aking bibig.
Nang pilit kong igalaw ang aking ulo ay napapikit ako sa sobrang sakit. Tahimik akong napapahiyas sa bawat pagkibot ng aking kalamnan. Masakit ang katawa ko.
Maya-maya pa ay napaubo ako nang malasahan kong muli ang dugo mula sa aking bibig na siyang kaagad kong nailuwa sa sahig. Nakinita ko iyon nang dahan-dahan kong ibinuka ang aking mata.
Inilibot ko ang tingin sa paligid ngunit tanging dilim at iilang silya lang ang aking nakikita. Hindi ko alam kung talagang madilim nga o dala lang ng pagkakabugbog sakin kanina.
Muli ay napaubo ako saka ko namalayang nakatali na pala ako sa silyang amoy kalawang. Napakatigas ng bakal kung saan nakatali ang pareho kong paa. Masakit rin ang mahigpit na pagkakatali sa kamay kong nakapwesto sa likod ng sandalan ng upuan.
Napahinga ako ng malalim. Naalala ko pa ang mga huling nangyari bago ako mapunta rito.
Maya-maya pa ay kumabog ang dibdib ko nang makarinig ako ng ingay mula sa kung saan. Malabo pa man ang paningin ay pilit kong sinisilip ang dilim makita lang kung ano ang dahilan ng maingay na tunog na iyon.
Matinis na bakal na tila ba ay hinihila mula sa sahig. Batid ko nang silya iyon. Dahan dahan ang pagkakahila niyon ngunit napakaingay sa pandinig ko. Minsan pa itong tumigil saka muling nagpatuloy.
Bahagya kong inangat ang aking ulo at unti-unti kong nakita ang imahe ng isang lalaki na bigla ay lumitaw mula sa dilim.
Kumirot bigla ang ulo ko kaya ay muli akong napayuko. Doon na nasalubong ng aking mata ang isang pares ng sapatos. Umupo ito sa mismong harap ko.
Napaikyas ako nang bigla ay hawakan niya ng mariin ang buhok ko saka ay pilit inaangat ang aking ulo upang magtama ang paningin namin.
Pinakatitigan niya ako saka ay biglang ngumisi ang gago. Wala pa akong lakas upang labanan ang paghila niya sa buhok ko. Masama ko siyang tinitigan.
"Beautiful face." kumento niya. Ako naman ay mas tumalim pa ang titig sa mga mata niyang sinusuri ang bawat kanto ng aking mukha.
"Tell me, what do you think happened?" aniya.
Pagkatapos ay binitawan ako saka ay may dinampot na kung anong bagay mula sa mesa. Hindi ko alam kung ano iyon sapagkat nabalot iyon ng puting bimpo.
Nang tumama ang repleksiyon ng puting ilaw ay nagising ang diwa ko nang makita ko ang may kahabaang kutsilyo.
Pinunasan niya ang talim niyon habang nakatingin sa aking mga mata. Lumapit siya sa akin at bigla bigla ay sinampal niya ako gamit ang likod ng palad niya.
Napamaang ako sa sakit at galit. Halos hindi ko na maigalaw ang aking ulo sa sakit. Sa bawat pag galaw ko ay halos ubusin niyon ang buong lakas ko.
"I thought your family is not weak? How come an Alarie has born a weakling like you?" ngiti nito.
Nag panting ang tenga ko sa narinig. Kung ganoon ay maaaring nagmula siya sa Pransya. Hindi ko na naririnig masyado ang totoong apelido ko at manggagaling pa sa bibig ng isang ito.
"Bakit hindi mo ako pakawalan dito?" ngisi ko.
Batid ang pagkagulo sa mukha niya. Halatang Ingles at Pranses lang ang alam niyang linggwahe.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...