Chapter 11

53 7 5
                                        


ZAIN'S POV

The day I saw her with Gabraiel sent me into something I've never felt before. Maybe, nabigla lang ako sa nangyari? Tss, nabigla? What for?

Umiling ako dahil sa iniisip. Hindi ako nabigla, I was just wondering kung bakit sila magkasama. At hanggang ngayon pala?

Hindi ko lubusang nakilala si Gabraiel, tanging pangalan lang niya ang naipakilala sa akin sa pagkakatanda ko. Wala akong alam tungkol sa kanya lalo pa sa kanilang dalawa.

Ano ba siya at ganoon kabilis akong iniwan doon ni Kaze?

Namasahe ko ang sentido sa sobrang pagtataka ko. May kung ano-anong pumapasok sa isip ko dahil doon.

Napagdesisyunan kong makinig nalang muna sa sinasabi ng prof namin. Ngayon ay araw ng lunes kaya't medyo marami aking subjects na papasukan. Alas onse y media na nga umaga at may tatlong subjects nalang ako mamayanv hapon. Magsisimula iyon mula 1 o'clock hanggang 6:30 pm, kasama na ang freetime.

Noong una talaga ay nanibago ako sa schedule ko ngayong college. Ibang-iba kasi talaga noong high school pa. Nalilito nga ako noong 1st year ko pa, ngayong graduating na ako ay masasabi kong nakapag asjust na ako.

Isang mahabang tatlumpong minuto ang lumipas bago pa kami ma dismiss. Kaagad akong lumabas ng room. I feel like I am suffocated, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga kanina. Mabagal ang takbo ng oras at mabigat ang ulo ko.

Plano kong doon nalang tumambay sa cafeteria, ganitong oras kasi at hindi gaanoon karami ang mga estudyanteng pumupunta doon. Hindi na kasi uso iyong palaging doon ang tambayan, may mga food house at snack hub kasing nakapalibot sa labas ng school.

Dahil malayo naman ang exit ay dito na muna ako sa loob ng campus. Naglakad na ako patungo sa cafeteria nang pumasok na naman sa isip ko si Kaze at Gabraiel. Naasar ako sa kanilang dalawa, kapag naalala ko iyong kahapon. Tss.

Para bang sanay siyang sinusundo ni Gabraiel.

Napailing nalang ako sa iniisip. Maybe they're not into each other? Mali siguro ako ng iniisip? I don't know! Di ko alam.

Maybe, I'm jealous? YES I AM.

Tss.

Pinakalma ko ang sarili at nagtuloy na sa paglakad patungo sa cafeteria. Nang papasok na ako ay saktong nakita kong papasok din si Nathan at Psalm sa loob. Nauna lang sila ng kaunti, hindi nila ako nakiya kaya't binilisan ko ang lakad upang maabutan ko sila.

Doon ko palang sila naabutan nang tuluyan kaming makapasok sa loob.

Animong gulat akong nilingon ni Nathan. Tsh, ugok talaga.

"Oi dre, wazzup, lollipop!" hyper na aniya.

"Wala lang, nakita ko kayo eh." ngumiti ako at nilingom si Psalm, "Sup, dre." bati ko sa kanya. Ngiti lang din ang sinukli niya na para bang nagmamadali siya.

Pareho namin siyang tinitigan ni Nathan nang mabilis ang lakad niyang kaagad na umupo sa silya.

Sinenyasan ko si Nathan at nagtatakanh itinuro si Psalm. Nakuha niya kaagad ang paraan ng pagkakatitig ko sa kanya.

"Busy siya, dude. Can't you see?" sagot ni Nathan. Sumunod na kaming dalawa at umupo aa kaharap na pwesto ni Psalm. "Four months nalang at ga-graduate na tayo, alam mong matalino to si Psalm kaya pressured." aniya.

"Sorry talaga, kailangan na to eh. Ngayong araw lang ang pasahan." pagsali ni Psalm sa usapan. Tumango nalang ako, naiintindihan ko naman siya. That's what we should do also. Hindi ko lang alam at kung saan saan napupunta ang atensyon ko. Tsk.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now