KAZE'S POVNaririnig ko ang mga boses na nasa paligid ngunit hindi ko magawang kumilos. Napakasakit ng katawan ko ngunit pinilit ko paring imulat ang aking mga mata.
Unang tumambad sa akin ang likod ni Master, may kinakausap siya at doon ko lang napagtantong si Vior iyon.
Lumingon sa akin si Master at nagtama ang paningin namin.
"Kaze, you're awake." sambit niya.
Lumapit sila sa akin kapagkuwan ay marahang hinimas ni Master ang braso ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"Glad that you're awake, Kaze. There's nothing much serious sa kalagayan mo aside from your wounds na kung hindi agad maaagapan ay mag ca-cause ng infection. Nag pass out ka kanina it's because of exhaustion. I advise you to rest so that you'll get your energy back and drink lots of fluid." sabi ni Vior sa akin.
Wala rito ang private doctor namin. Si Vior ang maalam at may degree sa medesina kaya siya ang maasahan namin pagdating sa ganitong sitwasyon.
Tumango ako at tumingin kay Master.
"How are you feeling?" ani Master na umupo sa bandang paanan ng kama.
"Ayos lang ako." umiwas ako ng tingin.
"Kaze. Are you okay?" rinig ko ang boses ni Jax na kapapasok lang sa kwarto. "What happened to you?" sunod-sunod na tanong niya.
"Unfortunately, Jax. She can't answer you right now. Kailangan niyang mag-pahinga." si Vior.
Naptitig ako kay Jax saka ko siya inirapan. Ngunit bigla rin akong napatingin sa kanya nang maalala ko si Zain.
"Nasaan siya?" tanong ko sa kanila.
"He left already." sagot ni Master.
"Bakit raw? Ayos lang ba siya?"
"Yeah, he's fine, Kaze. Wala kang dapat ipagalala." muling sagot ni Master.
Tumango ako saka ay nagpasalamat sa kanila. Nagpaalam rin akong matutulog muna dahil ngayon ko lang mas lalong naramdaman ang pagod ng katawan ko. Iniwan nila ako ngunit napansin kong nagpaiwan si Master.
"You should take a rest, Kaze before we talk." buntong hininga ni Master.
Tumango ako at mapaklang ngumiti sa kanya. Nagpaalam siyang aalis na siya kaya ay hinayaan ko na dalawin ako ng antok.
******
THIRD PERSON'S POV
"This is bullshit!" sigaw ni Israfel sa harap ng kapatid. Halos pumutok na ang ugat sa sentido niya dahil sa hindi masukat na panghihinayang at galit.
Humahangos ang hininga niyang hinarap ang mga tauhan at nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga.
"Now tell me, am I an imbecile?!" sigaw niya sa kapatid. "I don't understand how she managed to escape my hell." malademonyo siyang natawa saka ay napaupo sa kahoy na sahig at doon parang baliw na iiyak saka ay biglang tatawa.
"Nadj!" muli niyang hiyaw matapos na hindi makatanggap ng tugon mula sa kapatid.
"N-no, brother." nanginginig at nauutal na sagot ni Nadjeja.
Kapagkuwan ay lumapit ito sa kapatid upang tulungan siyang tumayo ngunit laking gulat niya at bigla siya nitong tinulak palayo.
Takot na takot ang kapatid niyang babae sa ganoong inasta niya. Lalo itong nanginig sa takot. Hindi niya alam ang gagawin sa kapatid.
Palagi na lang na sa tuwing may nagawang kapalpakan ang kapatid ay ganoon ang magiging reaksiyon nito. Para bang baliw at hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa loob ng utak niya.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AcciónSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remains the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...