Chapter 6

72 5 5
                                    


KAZE'S POV

Nahihirapan man ay pinilit kong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sahig. Doon ko nalang nakayang umupo at hindi na ako nakaabot pa sa sopa dahil sa sobrang sakit ng sentido ko.

Kailangan ko ng alcohol at yelo ngayon. Hindi ko alam kung saan ang uunahin, itong pasa sa mukhang ko o itong daplis ng kutsilyo sa bandang tagiliran. Tss.

Iiling-iling akong kumuha ng yelo mula sa ref. Marahang hinubad ang aking suot na t-shirt at iyon ang pinambalot ko doon sa yelo. Parang nagiginhawaan akong pumikit nang dumampi sa pisngi ko ang malamig na sensasiyon. Napabuntong hininga akong tumayo patalikod sa lababo. Doon ko isinandal ng bahagya ang katawan ko. Nang matingnan ko ang sariling repleksiyon sa salamin ay napairap nalang ako. Dumudugo ang sugat ko, masakit man ay iniinda ko nalang.

Nabaling ang tingin ko sa gawi kung saan naroon ang sala nang maya-maya'y nakarinig ako ng doorbell. Tinatamad akong maglakad kaya't hindi na ako nag-abala pang buksan iyon. Sa halip ay nanatili ako sa kung ano ang pwesto ko kanina. Ngunit sadyang anak ng pucha iyong tao sa labas at sunod-sunod ng tumunog ang doorbell. Nakakairita iyon at nakakapanginit ng ulo.

"Tsk!" reklamo ko. Napilitan nalang akong buksan iyon upang makita lang ang mukha ni Jax. Tss.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Oh?" masama ang mukhang ani ko.

"Anong nangyari sayo?" bigla ay pumasok siya at sinara ang pinto.

"Ba't ka nandito?" tinanong ko na bago pa siya magtanong ng mga kung ano-ano. Halatang may sasabihin pa sana ngunit pinili nalang na itikom ang bunganga. Piniling huwag nalang akong pakialaman sa kung anong nangyari sakin.

"Birthday raw ni Kate?" aniya.

"Aba'y malay ko." kibit-balikat na sagot ko.

"Kaibigan mo ba talaga siya? Bakit di mo alam na birthday niya ngayon?"

"Ikaw, kaibigan ka rin naman...di mo rin ba alam?" ibinalik ko ang tanong.

"Alam ko,"

"Ampucha, alam no naman pala, nagtanong ka pa." inirapan ko siya. "Ano ba talagang kailangan mo?" tumalikod na ako.

"May sasabihin lang," tumikhim siya. "Puntahan natin siya." mahinang sambit niya.

Napalingon ako ulit, "Ngayon?"

"Yeah," ngiting aso niya.

"Nasaan ba siya?" tanong ko.

"Nasa isang private resort, nandoon ang ibang mga kaibigan natin."

Tumango ako, "Hmmm, magbibihis lang ako." sabi ko at dumiretso na sa kwarto.

"So, pupunta tayo?!" rinig kong sigaw niya.

"Ano sa tingin mo?!" sigaw ko pabalik.

"Pupunta tayo?!"

"Ano nga sa tingin mo!" sigaw ko.

"YES OR NO LANG KAZE!" tila napipikon ng sigaw niya.

"Ano bang dapat kong isagot?!" biro ko.

"YES! Pupunta tayo ro'n." hindi ko namalayang nakadungaw na siya sa pintuan.

"Ulol, ikaw doon mag-isa." inirapan ko siya.

"Wala kang kwentang kausap. Tss." galit na sabi niya at sinara ang pinto. Napailing nalang ako.

Gusto ko ring makita si Kate. Gusto kong kamustahin ang kaibigan ko. Kaya ay hinila ko na ang kung ano mang damit ang makita ko. Sa huli ay iyong puting t-shirt lang ang napunta sa kamay ko, mabilis ko iyong sinuot nang mapagtanto kong hindi ko pa nagagamot itong sugat ko sa tiyan.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now