"Vior," tawag ko at mabilis siyang nilapitan. Kaagad akong sinalubong ng nagtataka bagaman nagaalala niyang tingin.
"Si Zain...tinamaan ng bala." sambit ko. "Nasa loob pa siya ng OR."
Kanina ay tinawagan ko si Vior habang naghihintay sa labas. Hindi ako mapakali dahil sa nangyari. Hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako kahit alam ko namamg ginagawa ng mga doctor ang trabaho nila sa loob.
Si Claude naman ay pinaalis ko na dahil baka maabutan nila ni Vior ang isa't-isa. Hanggang ngayon ay hindi ko parin sinasabi kay Master ang usapan naming dalawa.
"I know he'll be fine, Kaze." si Vior.
"Kasalanan ko to." mahinang sabi ko.
"Don't blame yourself. If it wasn't because of you baka-"
"Hindi, Vior. Ako ang dahilan kung bakit nangyari ito." umiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag may masamang nangyari kay Zain. Ngayon na nasa ganitong kalagayan siya ay wala akong ibang nararamdaman kundi galit sa gumawa nito sa kanya." nagtagis ang panga ko. "Hindi ko palalampasin ito."
"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon...pero huwag kang mapadalos-dalos sa mga desisyon mo." seryoso ang boses niya.
Napabuntong hininga ako. Walang nang ibibigat pa itong nararamdaman ko ngayon.
"Alam ba ito ng kapatid mo?"
Umiling ako. "Hindi... walang may alam ba bumalik ako rito."
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Obligasyon ko bang ipaalam sa kanila ang lahat ng ginagawa ko?" inis ko siyang tiningnan.
"Hindi ganoon ang punto ko." sagot niya. "Ano ba ang nangyari?" kalaunan ay nagtanong siya.
Matagal pa bago ako makapagsalita.
"Si Kalem." kalaunan ay sabi ko. "Muntik ko na siyang mapatay kanina."
Tumingin ako kay Vior.
"Pero hindi ko magawa dahil nandoon si Zain. Ayokong makita niya na kaya kong gawin yon."
"Kailangan mo ba siyang patayin? Hahantong ba sa puntong iyon ang lahat?" mahina at nanguunawang tanong ni Vior.
Natigilan ako sa sinabi niya. "Kung kailangan ay gagawin ko."
Napabuga ako ng marahas na hangin. Iyon ang bagay na kinakatakot ko. Paano kung mag iba ang tingin niya sa akin? Ayokong ang tingin niya sa akin ay mamamatay tao. Dahil kulang na lang ang magiging ganon ako.
"Don't taint your hands with blood, Kaze." seryosong sambit niya.
"Huwag ka ngang magsalita na para bang hindi mo nagawa ang bagay na yon." tumalim ang tingin ko sa kanya. "Kung may mamamatay man ay sila iyon at ako mismo ang papatay sa kanila."
Halos sumabog ang dibdib ko dahil sa nararamdaman kong galit. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang poot sa dibdib ko at para bang sasabog ako.
"Pupunta si Klaine dito." tumango lang ako sa sinabi ni Vior.
Maya-maya pa ay lumabas ang isang nurse at lumapit sa amin.
"Kaano-ano po ba kayo ng pasyente?" tanong nito sa akin.
"G-Girlfriend ho." sagot ko at tumango naman ang nurse.
Sinabi nilang tapos na ang ginawang operasyon at matagumpay ito. Mabuti nalang daw ay naidala sa ospital si Zain dahil nanghihina na raw ito dahil sa dugo na nawala sa kanya. Ngayon ay ililipat na si Zain sa suite room na ako ang nag request upang masiguro ang pag recover niya.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
