Chapter 3

42 3 0
                                    


Le Marais, France

KAZE'S POV

Matalim ang mata kong nakatitig kay Vior na ngayon ay nasa harapan ko. Hindi ko inaasahan ang presensiya niya lalo pa at sa ganitong oras siya nagpakita. Bukod sa wala siyang pahintulot mula sa akin na pumarito sa tirahan ko.

"Anong ipinunta mo?" malamig ma saad ko.

Naging matunog ang pagngisi niya kasabay nang paglapit sa akin.

"Miss ka na raw ni Klane," sambit niya. Tila natatawa pa.

"Tss." umiling ako dahil sa narinig mula sa kanya. "Sabihan mong siya ang pumunta rito. Inuubos niya ang gasolina ko."

"Pagbigyan mo na, naroon din si Attrius upang makita ka."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ayokong makita silang dalawa." huling sabi ko bago ko pinaalis si Vior. Mabuti naman at kaagad siyang sumunod sa akin.

Napailing nalang ako sa mga sinabi niya. Malakas ang loob ni Attrius na pumunta pa sa bahay ng mga magulang ko at hanapin ako. Tss.

Hindi ba siya makaintinding ayokong makita ang mukha niya? Akala niya siguro ay maibabalik nila ang lahat sa dati. Akala niya siguro ay magtitiwala na ako ulit sa kanya. Nagkakamali siya.

Marahas at padabog kong binuksan ang may kaliitang ref na narito sa apartment ko. Bumungad kaagad sa akin ang mga bote ng beer na siyang nagpapasikip lang sa loob nito. Kasalanan ito ni Vior kung bakit ako iinom ng beer sa hating gabi. Kung sana ay hindi ako inistorbo ay malalim na ang tulog ko. Tss.

Gamit ang lakas at kamay ay ganoon ko kabilis na nabuksan ang bote. Isang dangkal lang ang haba ng bote kaya't kulang iyon para sa akin. Kalkulado ko na ang tama niyon kaya't dalawang bote ang balak kong ubusin.

Sa mga taon na lumipas ay naging karamay ko ang alak sa lahat ng pagkakataon. Maging itong apartment ko ay naging saksi sa mga kagaguhan ko. Natawa ako sa sariling naisip.

Mag isa akong uminom sa loob nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto. Napabuntong hininga ako sa sunod-sunod ring pangiistorbo sa akin ngayong gabi.

Tinatamad ang bawat hakbang kong tinungo ang pinto. Sa maluwag na pagkakakapit ko sa door knob ay binuksan ko iyon.

Hindi na ako nagulat nang makita ko ang mukha ni Master. Ganoon siguro kabilis ang pagmamaneho niya dahil minuto lang ang lumipas mula nang umalis dito si Vior. Ano at narito na kaagad siya. Pinagtaasan ko siya ng kilay matapos kong mapansin ang mukha niyang tila nag papasensiya.

"Oh?" kalaunan ay sambit ko.  Hindi ako nakatanggap ng tugon nang ganoon kabilis sa kanya. Sa halip ay umayos ang tayo niya at matalim ang mga matang tinitigan ang bawat anggulo ng aking mukha.

"Anong ginagawa mo?" seryosong sambit ko.

"Tinitingnan ko kung may bangas iyang mukha mo." tugon niya at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Eh ano kung may bangas?" tanong ko. "Pumasok ka nga, Tss." kalaunan ay sambit ko nalang nang mangawit na ang mga paa ko sa kakatayo.

"Hindi mo pinakinggan si Vior. Hindi mo talaga ako pupuntahan sa bahay natin?" tila nagpapaawang sabi ni Master sa akin.

Hindi makapaniwala akong natawa sa sinabi niya. Sa mukha niya ay parang ganoon nalang siya kalungkot na wala ako doon. Kung tutuusin ay tatlong araw lang naman akong nanatili rito sa apartment. Tuwing gusto kong mapag-isa ay dito lang ako pumupunta. Ganoon ang gamit ng apartment nato, pinupuntaha  ko lang kapag kailangan ko.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now