KAZE'S POV
Gabi na nang makabalik ako sa resort. Kinailangan kong umalis upang pumunta sa mga hindi pamilyar na lugar sa akin para lang makapag isip-isip ako. Para na kasi akong nasasakal sa paulit-ulit na takbo ng bawat araw ko rito.
Habang papalapit ang kasal ni Crista, na sa totoo lang ay wala naman akong pake, ay mas lalong naging pangit ang bawat araw na pagtira ko dito. Paano eh halos hindi niya tantanan ang telepono sa kakatawag upang mag bigay ng update sa kanya. Kahit hindi naman ako ang sumasagot ay alam ko parin iyon dahil si Gabraiel ang sumasalo niyon at sinasabi niya lang sa akin.
Habang papasok ako sa loob ng resort ay sumasalubong sa akin ang malamig at malakas na hangin. Nang matanaw ko ang dalampasigan ay nakikita ko ang perpektong buhangin niyon at ang puting kulay ng mga alon sa tuwing humahampas iyon.
Ang ordinaryong gabi ay nagiging kakaiba dahil sa maaliwalas na himpapawid na napapalamutian ng bilog at malaking buwan. Gaano kapayapa iyong tignan ay salungat naman sa malakas at agresibong hampas ng mga alon. Magkaiba man ay napupunan niyon ang isa't-isa na siyang nagbibigay ng perpektong kombinasyon.
Kinapa ko ang telepono sa bulsa ko at kaagad na tiningnan ang call logs ko. Hindi ko alam pero kaagad na hinanap ng mga mata ko ang numero ni Zain kahit pa man naroon na iyon sa pinakadulo dahil ilang linggo na rin noong huli niya akong natawagan.
Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon... nasa kaibunturan ko ito. Natumbok ko naman kung ano ngunit pilit kong tinatakwil sa isip ko. Tsk.
Natigil ako sa paglakad nang marating ko ang gazebo. Mas lumalakas ang tunog ng alon at mas lalo kong naamoy ang lasa ng dagat.
Ngunit hindi nagtagal ang katahimikang dala sa akin ng tanawin nang may marinig akong boses mula sa likuran. Kaagad akong napalingon sa kinaroroonan niyon at nakita si Gabraiel.
"Hindi ka makatulog?" aniya nang makalapit at pumwesto tabi sa akin. Hindi gaano kalapit dahil malaki ang siwang sa gitna namin.
"Kararating ko lang." tipid na sagot ko.
Nakita ko siyang itinaas ang braso sa ere at sumulyap sa relos niyang digital.
"It's midnight already." aniya
Ngayon nalang ulit kami nagkita dito ni Gabraiel dahil palagi akong nasa loob lang ng kwarto. Gabi na ako kung lumabas at sinasadya kong hindi kami magkita sa lugar na to.
"By the way, Crista will come here tomorrow with some of her friends and guests to show the place." dagdag niya.
"Anong oras?"
"Lunchtime." tipid na sagot niya.
"Bakit hindi siya makapaghintay sa araw ng kasal niya? Ano bang kinasasabik niya at kailangan niya pang ipakita itong lugar. Tch."
"Because for her, that day is special." ramdam ko ang titig ni Gabraiel.
"Hindi mo ba naisip kung sino ang pakakasalan niya?" humarap ako sa kanya.
Nag iba ang emosiyon sa mukha niya.
"They never told us who is she going to marry." kumunot ang noo niya.
"Noong nakita ko si Israfel na kasama niya sa isla, sumagi kaagad sa isip ko na si Israfel ang pakakasalan niya."
"Are you sure that who you saw was him?" puno ng kuryosidad na tanong niya.
"Sigurado ako. Si Israfel iyong nakita ko. Hindi ko man palaging nakikita ang mukha ng taong iyon ay hindi rin naman ako nilalaglag ng memorya ko."
"Maybe you are right. Malaki ang posibilidad na si Israfel nga ang pakakasalan niya. That is what we are thinking also."
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AcţiuneSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
