THIRD PERSON'S POV
Alas dose na ng gabi nang makabalik si Claude sa mansiyon ni Mr. Arnault. Kagaya ng lagi niyang nadadatnan, nakapatay na ang ilaw sa iilang parte ng bahay na nakikita niya mula sa labas ng bintana. Ang tanging maliwanag ay ang ilaw sa bawat poste ng malaki at mataas nitong gate.
Pinagbuksan siya ng guwardya at binati siya nito ngunit wala na siyang lakas pa o gana man lang upang ngumiti at batiin ito pabalik. Nang lumabas siya ng sasakyan ay kaagad niyang inabot ang susi nito at naglakad papasok sa loob ng mansiyon.
Bagaman maliwanag pa ang salas ay wala ng tao roon. Sa laki ng mansyon ay hindi mo makikita ang kasama mo sa loob kapag naroon iyon sa kusina, at sa loob ng ilang taon ay ganito na ang ayos at estado ng mansiyon nila. Tahimik, walang tao, at kahit isang beses ay hindi sila nagsasabay sa kahit saan mang sulok ng mansiyon.
Ni isang beses ay hindi sila nakumpleto sa hapagkainan. Halos isang dosena ang pupwedeng magkasya sa upuan ng kusina nila ngunit nasanay na silang mag-isang kumain doon.
Napagdesisyunan ni Claude na umakyat na sa kwarto niya. Tila ba ngayon niya lang ramdam ang pagod ng katawan niya.
Nang buksan niya ang malaking pinto ng kwarto niya ay tumambad sa kanya ang madilim na sulok ng kanyang kwarto. Hindi mo makikita kaagad ang kanyang kama dahil mayroon pang maliit na pasilyo papasok don. Ang bubungad sa iyo ay ang nakahilerang mga estante na napupuno ng kung ano-ano.
Bagaman madilim ay nakikita parin ni Claude ang mga kagamitan sa loob dahil tumatama ang ilaw mula sa buwan na tumatagos mula sa malaking salaming pinto ng veranda.
Napatitig sa dito at napabuntong hininga. Ngayon lang pumasok sa isip niya na malaking gulo ang pinasok niya. Napahilamos siya sa sariling mukha at tinungo ang pinto ng veranda at binuksan iyon upang magpahangin.
"What have I done..." problemadong usal nito. Iniisip niya na sa ginawa niya kanina ay mas lalo siyang mapapahamak at ang mas kinababahala niya ay si Crista.
Gayong alam na ni Kalem na may koneksiyon siya kay Kaze ay siguradong makakarating ito kay Israfel at mas lalo lang gugulo ang lahat.
Inis na sinabunutan ni Claude ang sariling buhok. Kulang nalang ay sumigaw siya upang ilabas lahat ng nararamdaman niya.
"If it weren't because of that bastard!" inis na sambit niya. Ang tinutukoy ay si Mr. Arnault na hindi naman nagkaroon ng pag-aalala sa kanila. Kahit sa sarili niyang anak ay wala itong pakialam.
Noong pumunta sila aa resort upang makipagkita sa magkapatid na Anderson ay ganoon nalang ang inis at pagkamuhi niya kay Mr. Arnault dahil hindi naman ganoon ang ugali at asal niya kapag sila nalang ang magkausap. Kailanman ay hindi niya naitanong sa anak kung ayos lang ito at kailanman ay hindi rin maayos ang pakikitungo niya rito.
Sa isip ni Claude nong mga panahon na iyon ay wala ng sing sama ang matanda dahil napaka ipokrito nito.
Nakuyom ni Claude ang palad.
"Claude?"
Bigla ay napalingon siya nang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Si Crista, kaagad na nagtama ang paningin nila. Pinasadahan niya ito ng tingin. Nakasuot ito ng puting kamison sa ilalim ng puti rin nitong roba.
"Why are you still awake?" ani Claude.
Inaaninag ang mukha ng dalaga na ngayon ay natatakpan ng dilim.
"Claude..." rinig niya ang mangiyak-ngiyak na boses nito habang humakabang ito papalapit sa kanya.
"What happened to you?" nag-aalala niyang tanong sa dalaga. "Is there something wrong?"
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AçãoSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
