Chapter 2

43 2 1
                                    


It's Saturday morning at nagkakape lang ako sa labas ng bahay. Wala akong ibang gagawin ngayong araw kundi ang mag stay dito sa bahay. Kararating lang din nila mom and dad galing sa Davao. As usual, business trip na naman ang dahilan.

"Aren't you meeting with the annoying Fillalan sisters?" nangibabaw ang tinig ni Zardi sa bandang likod ko. Hindi ko na siya nilingon sa halip ay hinintay kong umupo siya sa kaharap kong silya. Narito kami sa may porch malapit sa garden.

"Annoying? They're not Zardi." sagot ko. "And, after lunch pa tayo makikipagkita sa kanila."

"Hindi tayo...ikaw lang. Ayokong kaharap yong kapatid ni Grace. Ang OA at medyo scandalous." kumento ni Zardi.

"What?!" kunot-noong sambit ko. "Bakit hindi ka sasama?"

"Wala rin naman akong gagawin o masasabi doon...atsaka, sasamahan ko si mommy na mag grocery. Kagabi niya pa sinabi sakin." paliwanag niya.

Sa huli ay napatango nalang ako. Alam kong excuse lang yon ni Zardi para hindi na siya sumama. Mukhang naiirita nga siya sa kapatid ni Grace. I wonder kung ate niya 'yon o younger sister.

Hindi ko nalang pinilit si Zardi na sumama, maybe totoo nga sigurong sasamahan niya si mommy.

Hours passed ng wala akong ginagawa. Nanatili akong nasa loob ng bahay, I guess it's my rest day. Dahil bukas ay may practice kami for soccer. It's been 7 long years at hindi ko parin iniiwan ang sports nayon. Hanggang ngayon ay member parin ako ng varsity at ako na ang team captain. Mas thrilled ako ngayon dahil maraming competitive na mga universities. Mas na cha-challenge ako sa totoo lang.

Nabalik ako sa mundo nang marinig kong tumunog ang telepono ko. Sa ganitong oras at araw ay alam kong walang iba kundi si Nathan ang nag te-text. Tungkol na naman siguro sa party na hindi naman ako imbitado. Iyon din ang rason ko kung bakit ayokong pumunta. Tch.

Sa halip na basahin ang text message nayon ay nag desisyon nalang ako na maligo na. Para mamaya ay magbibihis nalang ako pagkatapos kong mananghalian dito. Nang matapos akong maligo ay kaagad akong bumaba ng kwarto at tumungo na sa kusina.

Nagkasabay pa kami ni dad papasok. Nadatnan naming nasa mesa na si mommy at Zardi. May mga pagkain narin sa mesa at mukhang tamang-tama ang dating namin.

"I heard na may pupuntahan ka raw, Zain. Saan?" tanong kaagad ni mommy nang makaupo kami. Napasulyap ako kay Zardi na ngayon ay nag-iba na ang timpla ng mukha. Hindi pa namin nasasabi sa kanila ang tungkol sa nangyari kahapon.

"Y-Yeah..." sagot ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Nagtalo kami ng tingin ni Zardi. Alam na alam kong ayaw niyang sabihin kila mommy ang tungkol sa nangyari. I did fixed my mind, mas mabuti nang hindi ko na sabihin dahil ayokong ma stress si mommy. Kaya ko namang i handle 'to.

"Zain? Your mom is asking kung saan ka pupunta." si dad, doon lang ako nakatingin ulit sa kanila.

"I'll meet with Grace," sagot ko.

"Kaze?" aabutin ko na sana ang bowl ng rice nang matigilan ako sa sinabi ni mommy. Hindi ko alam kung bakit natagalan pa ako bago makapagreact. She misheard it.

Hindi ko alam ang isasagot. Bigla ay  nakaramdam ako ng inis. I hate hearing that name. Nasisira ang araw ko.

"No mom, it's Grrr....ace." si Zardi na ang sumalo sa akin. Nang magsalubong ang mga tingin namin ni mommy ay rumehistro sa mukha niya ang pag-aalala.

"Oh," sambit ni mommy. "I'm sorry, anak." kapagkuwan ay dagdag niya. Mukhang napansin niya ata ang unreasonable na pag-iba ng mood ko.

Bumuntong hininga ako at ngumiti. "It's okay mom," naka move on na ako.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now