TATLONG PU'T LIMA

14 4 0
                                    

humiwalay na agad ako nang yakap dahil hindi ko padin nalilimutan yung mga ginawa niya saakin.tahimik niya din akong pinakawalan at lumakad palapit sa pintuan.




"lets go.they're waiting."his voice is cold as ice.




pabagsak niya naman sinarado yung pintuan.napapikit naman ako at sumunod nalang sakaniya.tahimik lang kami sa elevator.at ni isa saamin ay walang balak magsalita.pagkababa namin ay nakita namin sila faye na bagot na bagot na yung mga mukha sa gutom.




"bakit ba lagi---"



"shut up."pagpuputol ni chandler sa sasabihin ni yuhan kaya napanganga naman ito at natahimik.



dire diretso naman lumakad si chandler papuntang resto at nakita kong tumakbo si zapphire palapit kay chandler at hinawakan ito sa braso.agad naman kumulo yung dugo ko kaya napabuga nalang sa hangin.pagkarating namin sa resto ay nakaupo nanga agad sila chandler at zapphire sa mahabang table at kami naman na nahuli ay tahimik rin na naupo.



uupo na sana ako sa katabi ni chandler nang mapagtanto ko na si zapphire na pala ang katabi niya kaya wala akong nagawa kundi ang umupo nalang sa harapan nilang dalawa.dahil nagoorder pa sila faye at yung iba naman ay nagkwekwentuhan lang ay inabala ko yung sarili ko sa cellphone buti nalang ay may libreng wifi dito kaya nakakapaginternet parin ako.



paano niya nagagawa na makipagusap sa ibang babae kahit na magkaaway pa kami.paano niya nagagawa na makipagtawanan at makipagusap kay zapphire kahit alam niyang naandito ang ako sa harapan nila at nakikinig sa pinaguusapan nila.



habang nagiiscroll sa facebook ay naramdaman kong may dumaloy na parang tubig sa pisnge ko.



"hoy birtney umiiyak kaba?"nilingon ko naman si sofia na nasa kanan ko.agad ko naman pinunasan yung pisnge ko gamit ang palad at ngumiti rito.




"huh?hinde ah.naiyak lang ako sa nakita ko dito sa facebook haha."mapait kong tawa sakaniya kaya napatango naman siya saakin.



pasimple ko naman tinignan yung nasa harap ko at mas lakong sumikip yung dibdib ko nang hindi man lang niya ako tinapunan nang tingin at patuloy parin sa pakikipagkwentuhan kay zapphire.




pinigilan ko lang yung nagbabadyang mga luha na naiipon sa mata ko at inabala ang sarili sa cellphone.nang dumating yung order ay natahimik na yung barkada at nagdasal muna kami bago kumain.puro seafood yung mga naandito at wala akong pwedeng makain.aish alam naman nila faye na allergic ako sa seafod e .



kinuha ko nalang yung mais at yun yung pinagtiyagaan kong kainin.actually may baon naman akong gamot sa bag ko incase for emergency.kinalabit ko naman si sofia at agad naman siya humarap saakin.





"patingin nga ako nang menu sofia."nagugutom na talaga ako at gusto ko nang kanin.



agad naman niyang tinawag yung waiter at binigay yung menu saakin.abala ang lahat sa pagkakain kaya hindi naman nila ako mapapansin.tinignan ko pa kung ano yung best seller nila dito at nakita ko naman yung pork ribs nila.wala akong ibang matipuhan sa mga putahe nila dito kaya iyong pork ribs nalang yung inorder ko.agad naman umalis yung waiter pagkasabi ko nang order ko.




"oh britney bakit hindi ka pa kumakain?"tanong saakin ni zapphire.blangko ko naman siyang tinignan at sinagot.




"why dont you eat your food instead of talking to me."mas malamig pa sa yelo kong saad sakaniya kaya napatingin naman saamin lahat.




when you say you love me(QUADRO SERIES#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon