Prologue

19 2 0
                                    

"kanina ka pa dito? Sorry ha traffic kasi akalain mo pati dito satin sa probinsya may traffic na din" Sabi niya


"Naku wala yun ano ka ba, buong buhay na ako naghihintay kaya sanay na ako" sabi ko naman sakanya habang sinisikap kong itago ang kabitteran ko


"Whoa! bars yun ah?"


"ha? hakdog"


Mahabang katahimikan ang naghari sa pagitan naming dalawa. Sa sandaling iyon hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Namiss ko siya eh, namiss ko ng sobra tong taong to. Ang tagal ko siyang di nakita


Sa tuwing sinusubukan niyang tumingin sa akin, iniiwas ko ang tingin ko sakanya.


Nagbago na siya, yung physical features niya at yung mga gestures niya tanda na nag mature na talaga siya. Pero iyong ngiti niya parang pareho pa rin ng ngiti niya noon, ngiti na kahit papaano minsan din ako ang naging dahilan. Iyong ngiting yan namiss ko din yan. Na miss ko siya, sobra.


"ganda naman ng hair mo, blonde ka na rin ha" tukso niya sa akin


Inirapan ko lang siya


Ano namang maganda sa buhok ko, nagpakulay lang naman ako, siya naman ngayon ko lang nakitang may kulay iyong buhok niya. Ang dami niya na talagang pinagbago. Parang hindi na siya iyong tao na dating kilalang kilala ko.


"Hindi ka pa rin talaga nagbabago ang sungit mo pa rin, pikon ka pa rin ba? nako nako" pang aasar naman niya.


"Ikaw din naman akala ko nagbago ka na di pa rin pala" sabay tingin ko sa malayo kasi mukhang gusto ng kumawala ng mga luha sa mga mata ko. Kainis naman


"Di naman ako magbago, ako parin to no. Baka ikaw ang nagbago sa ating dalawa" sabi naman niya.


"Mas walang nagbago sa akin no, yung dating ako, ako pa rin to. Yung puso ko, yung nararamdaman ko, parehong pareho pa rin kainis nga eh kahit gustuhin kong baguhin ayaw"


"Bakit mo ba pinipilit na baguhin? Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mong magbago Akiesha" Its nice to hear him na parang may care sa akin, kaso parang ng iba na eh.


Dati binigyan niya ako ng nickname para daw pag tinawag niya ako sa pangalang iyon alam ko na agad na siya yun or yung pang asar niya sakin and its nice when someone gives you nickname. Bakit parang I am longing to hear him call me the way he called me way back then? Yes, its nice hearing him say my name and I can't hide the fact that I just want to feel that again, to feel like its like the first time, again.


but no, because it seems like we were no longer the people we used to know before. Ang sakit lang isipin na yung taong minsan kong naging mundo ay tila isang estranghero nalang ngayon. Pakiramdam ko ang dami ng nagbago, siya pa rin ba talaga yung taong minahal ko? kilala ko pa ba siya? Ang daming taong na gumugulo sa isip ko. Ang dami kong gustong itanong kaso hindi ko alam kung tama bang magtanong pa rin ako eh matagal naman na kaming tapos.


"Nasasabi mo lang yan kasi wala ka sa sitwasyon ko, hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko".


"Bakit ano ba nararamdaman mo?"


Hindi ako kumibo tinignan ko lang iyong sapatos ko at pinipilit na pakalmahin ang sarili ko. Ayoko kasing mag breakdown at isumbat sakanya lahat ng mga bagay na nagawa niya noon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako na baka pag sinabi ko lahat sakanya ay umalis lang siya at ayoko non, gusto kong sagutin niya lahat para matahimik na rin ako. Gusto ko ng lumaya sa rehas ng aming nakaraan. Gusto ko ng magsimula ulit. Pagod na pagod na akong masaktan.


Chasing SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon