PROLOGUE

5.8K 165 18
                                    

A/N:  First upload---November 17, 2020

**********

Dahil sa kabaliwan kay Professor Maurr, ang guro namin sa Math in the Modern World, biglaang umatras si Eula, ang BFF ko sa isang party ng Hermes Club, ang samahan ng mga college girls na mahihilig sa kung ano mang gamit na tatak-Hermes. Binigay nito sa akin ang invitation card. Ako na raw ang pumunta dahil sayang ang pinambayad niyang registration fee kung hindi iyon magagamit. Bahala na raw ako kung sino ang isasama ko kina Felina at Shane sa naturang party.

"Sorry, Keri. Pass muna ako riyan. Alam mo naman ako. Busy," sabi agad ni Shane habang sumisipsip sa milk tea. Bumubutingting din ito sa cell phone niya.

Kinuha ni Felina ang invitation card sa akin. "You need to buy an Hermes bag in the party?! No! Wala iyan sa budget ko."

"Ano ka ba!" asik ko kay Felina. "Hindi naman kita pabibilhin niyan. Ako lang ang bibili."

Namilog ang mga mata ni Felina. Kung sa bagay sino ba naman ang hindi? Ang pinakamurang bag ng Hermes ay kung ilang daang libo.

"Maglalabas ka ng at least a hundred thousand pesos for a bag?! Hibang ka na ba, Keritot?" Si Felina uli. "Nahawa ka na talaga sa BFF mong iyon!"

Napangiti ako. "Akala mo lang walang silbi ang pagbibili ng mamahaling bagay kagaya ng isang Hermes bag. Pero ang hindi mo alam, a fancy bag is your ticket to high society."

"Weh! Hindi nga," panggagagad sa akin ni Felina samantalang ang bruhang Shane ay busy sa kung sino ang tini-text niya.

Kinagabihan nga'y nakaladkad ko si Felina papunta ng isang private house sa Quezon City kung saan idadaos ang naturang pagtitipon. Namangha ako sa bakuran ng mansyon. Parang isa iyong paraiso sa ganda ng mga bulaklak. Ang gara pa ng lighting. Mukhang sosyal talaga.

Felina and I were met by a girl in corporate attire. Sundan daw namin siya dahil dadalhin niya kami sa silid ng kanyang amo.

"Safe ba tayo rito, bruha? Mukhang prelude ito sa isang massacre, ah," komento ni Felina nang pabulong. She held my hand. Ang lamig na nga ng kamay niya.

"Tumahimik ka. Siyempre, walang masyadong tao dahil private party nga," asik ko sa kanya.

Nang buksan ng babae ang isang silid sa loob ng bahay, tumambad sa amin ang naggagandahang mga kababaihan with drinks in their hands na. Lahat sila't nakasuot ng evening gown. Kami lang ang naka-cocktail dress!

"Shit! I should have worn my gown I used for my debut," bulong ko.

"Sis, nagmukha tayong batang yagit dito," natatawang pahayag din ni Felina. Relaxed na ito at palinga-linga na sa paligid. I saw her frown. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong titig na titig siya sa isang guwapong lalaki. Isa iyon sa iilang kalalakihan na nandoon. At namumukod-tangi ang hitsura't tindig.

"Do you know him?" tanong ko.

Napakurap-kurap si Felina. Umiling siya pero napansin kong bigla siyang tumamlay. Tiningnan ko ulit ang lalaki. Ang guwapo talaga niya. Matangkad pa. Kaso may nakakapit nang magandang babae sa kanyang braso.

Lumapit sa amin ang host ng party. Familiar na siya sa akin dahil nakita ko na siya minsan at may picture silang dalawa ni Eula. Kuha sa isang event hosted by Gucci.

"Hi there. You must be Tabitha Ruiz?" bati nito sa akin. Napangiwi ako sa pagbanggit niya ng second name ko. Si Felina nama'y napangisi. Natuwa ako nang lihim dahil tila lumiwanag na uli ang makulimlim na mga mata ng kaibigan ko.

"It's Keri Tabitha Priscilla Ruiz," pagtatama ko.

Bahagyang tumaas ang isang kilay nito. But then, she broke into a smile.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon