A/n : HELLO !! I'm back ! wala naman akong ibang sasabihin kaya enjoy reading nalang ! Love youuu !!!
Ewan ko kung papaano ba ako napasok sa gulong ito , isa lang naman akong tagahanga nya . Isa sa libong libong tagahanga nya , minsan iniisip ko na sobrang gara ko ba dati ? Isang reyna ba ganon ? At napakasuwerte ko ngayon ?
Sa dami daming magaganda at mayayaman na katulad nya ay napili pa ako ? Ako pa talaga ? Ay ewan ! Siguro isa akong marahlika noon , noh ? Kaya ako pinagpapala ng ganito ?
Pero sabi ko sa sarili ko na hanggang tingin lang ako sa kanya , hanggang tili lang , hanggang kilig lang . Pero nabago 'yon ng makasama ko sya , as in sa iisang bahay ! Akalain mo 'yon !? Isang PARK JIMIN kasama ko sa isang bahay ! At magiging asawa ko pa !
Sa sandaling iyon ay napakasaya ko , dahil dumating na ang araw na pinapangrap ko . Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana , nakalimutan Kong isa siyanv bituin na mahirap abutin . Kakailanganin ko pa ng masinsinang dasal para lang mapasakin sya .
Tss , taas kase ng pangarap Mae ! Lintek !
" Mae ? " Pukaw ni chanyeol sa akin .
" Huh ? " Sagot ko naman .
Nan dito nga pala kami sa isang restaurant , kagaya ng sinabi nya ay ng dinner nga kami . Hindi ko nga alam kung papaano nya ako napapayag pero , wala nan dito na ko .
At matagal ko na rin syang hindi nakita , kaya ok na sa akin 'yon . At mas lalong ok dahil nakaiwas ako kay jimin .
" Ang sabi ko , kamusta ka na ? Matagal na tayong hindi nagkita , ah. " Maligayang tanong nya sa akin .
" Ayos lang , eto maganda parin . " Sabi ko at napatawa sya .
" Hindi ka parin nag babago . " At ngayon ay ako naman ang natawa .
" Ikaw ? Kamusta ? " Balik na tanong ko sa kanya .
Hindi sya sumagot at pinakita nya ang kanyang kaliwang kamay at tinuro ang singsing na nakalagay sa palasingsingan nya .
Nanlaki ang mata ko at lalo syang napangiti .
" Kasal ka na !? " Gulat na tanong ko sa kanya , aba 'tong lalaking 'to !
" Yeah , happy and contented . " Nakangiting sabi nya .
Nag kuwentuhan kami habang kumakain at napasarap iyon kaya umabot kami ng gabi .
Kung hindi lang tumawa si Nate ay hindi pa kami aalis dito .
" Mauna na ako sayo , salamat sa libre ! " Nakangiting sabi ko .
" Walang anuman , sa susunod ulit . " Sabi nya tumango naman ako .
Nag makaalis ay sumakay na ako ng bus papuntang condo , si Nate ay nan 'dun na daw at kaya nya ako tinawagan ay may sasabihin sya sa akin.
Ano na naman kaya iyon ? Kung hindi kabaliwan ay wala na akong ibang maisip pa .
Nag makarating ay tinap ko ang code sa pinto upang makapasok na . Hindi ko pa nahuhubad ang sapatos ko ay nakita ko na agad na may ibang tao sa loob .
Bakit ? Dahil hindi naman walo ang paa ni Nate ! Taragis !
Tama nga ako dahil pag pasok ko sa living room ay nan 'dun sila jungkook , suga , j-hope . Hinanap naman ng mata ko si Nate , dahil lintek sya ! Hindi nya sinabing may ibang tao pala dito !
" Oh , Mae nan jan kana pala ! " Nakangiting Sabi sa akin ni Nate , yayakapin nya sana ako kaso hindi nya ako nayayakap ay kinonyatan ko na sya .
BINABASA MO ANG
♠Bts Jimin FF♠ ••My Idol Is My Husband•• ✓Complete✓
FanfictionMae Lee , an adopted daughter of Kim Family . Mae Lee is a woman who believes in love , love that she will never have . Pano ba naman kase , lahat ng gusto nya ay hindi naman siya kilala . Sa madaling salita , isa siyang fan girl . Ung babaeng makik...