Chapter Twenty-six

574 34 3
                                    

Hindi talaga ako na niniwala sa destiny , dahil sa lawak ng mundong ito tingin mo pagtatagpuin pa kayo ulit ?

Maraming mga hadlang at pangyayari ang paghihiwalayin kayo , maraming kayong pagdadaan . Kaya ako hindi , hindi ako na niniwala .

Kahit sa kasabihan na " kapag kayo mag kikita ulit kayo " o ung " destiny will find the way " , sus destiny .


Pero ngayon hindi ko na alam ang paniniwalaan ko , dahil sa limang taong lumipas ay ngayon lang ulit kami nagkita . Destiny ba 'to o coincidence lang ?

Siguro coincidence lang dahil architect ako at sya naman ay isa sa mga may ari ng kilalang kompanya. Oo tanyag parin sila hanggang ngayon , sila ang may ari ng kilalang kompanya sa South Korea . Ang STRUCTURE OF THE GALAXY COMPANY o kilala sa tawag na SOTG COMPANY .


Ang kompanya iyon ang isa sa mga gusto ng kompanyang ito na maging kliyente . Dahil kumukuha rin sila ng mga magagaling na empleyado at 'don na pagtratrabahuhin sa kanila. 


May pinapatayo silang proyekto para sa bago nilang branch na isang mamahalin na pabango at isa ako sa mga naatasan na mag design niyon . Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko , siguro naman hindi na kami ulit mag kikita ? Dahil nasa field ako nasa opisina sya ? Di ba ?


At kung mag kikita man kami ay minsan minsan lang kung may ipapabago sila sa design na gagawin ko . Oo tama hindi ko na ulit siya makikita .

" Mae ? " Napakurap ako at nilingon si Nate na kanina pa nakatingin sa akin .

" Ha ? " Wala sa sarili kong tanong

" Sabi ko anong gusto mong kainin ? " Sabi nya at kinunutan ako ng noo


Pag katapos ng pangyayari na iyon sa opisina kanina ay lumabas na kami ngunit nakita ko parin si jimin na matalim parin ang tingin Kay Nate , hindi ko alam kung bakit .

At nag salita na naman sya sa lengguwahe nilang hindi ko maintindihan , kahit anong aral ko ng lengguwaheng iyon ay hindi ko talaga matutunan . Kaya sumuko na lang ako .

" Ah , eto nalang " Sabi ko sabay pakita sa kanya ung menu .


Nan dito kami sa restaurant dahil hindi talaga ako papauwiin neto hanggat hindi kami nakakadinner . Sabi ko naman sa inyo may saltik 'tong isang 'to .

Matapos naming sinabi ang gusto naming kainin at umalis na ang waiter . Tinignan ako ni Nate ng nagdududang tingin . Bakit ?

" Ano ? " Tanong ko at tinaasan sya ng kilay .

" Kilala mo ba si Mr. Park ? " Tanong nya at napaayos ako ng upo .

" S-syempre , Isa kaya 'yon sa sikat na K-pop group noon . Kaya kilala ko siya . Actually lahat sila . " Syempre die hard fan kaya 'to na muntikan nag maging asawa , kung hindi lang ....

" BTS ? " Takang tanong nya , napakunot naman ako ng noo . Hindi nya ba kilala ?

" Oo , sino pa ba ? " Sagot ko at uminom ng tubig .

Muntik ko ng mabuga iyon ng makita ko ang pumasok sa restaurant , ang iba sa kanila ay nakamask at nakasumbrelo ngunit nakilala parin sila ng mga tao sa loob .

" BTS ! "

" NAMJOON ! "

" IS THAT TAEHYUNG ? "

" OMG ! IM SO LUCKY TODAY ! "

Sigaw nila ng makitang naglakad ang pitong lalaki , naibaba ko ang basong hawak ko at nag punas sa bibig .

♠Bts Jimin FF♠ ••My Idol Is My Husband•• ✓Complete✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon