" Relax , halatang kabadong kabado ka . " Natatawang sabi ni kuya .
Nan dito na kase kami sa restaurant na gusto ni Mrs. Kim , kanina ko lang na laman na kasama talaga si jimin dito . Ang pinangtataka ko lang ay bakit ? Family gathering 'to di ba ?
Kanina sa condo hindi ko alam ang gagawin ko , buti na lang ay tumawag sa akin si kuya at sinabing nag presinta daw si jimin na sya na lang ang mag sundo sa akin , kaya napasunod nya ako .
Hindi ako susunod sa kanya noh , ng tatampo pa ako . Kung hindi lang sinabi ni kuya na sumabay ako hindi ako sasabay ! .
" Kuya naman , panong hindi ako kakabahan , e . Hindi naman naten 'yan kapamilya . " Sabi ko habang nakatingin kay jimin .
Hinihintay pa namin kase na dumating sila Mrs. Kim galing sa business meeting . Nasa private kaming restaurant kaya walang media dito , mabuti na rin iyon .
" Mr. Park , how are you . " Nagulat ako sa pagbati ni kuya kay jimin , si jimin naman ay napaangat ng tingin .
" Great . " Simpleng sambit ni jimin sabay tingin sa akin , ako naman ay nag iwas ng tingin .
" Nasaan si Nate ? " Tanong ni kuya , napatingin naman ako sa kanya at nakitang nakakaloko ang ngiti nya sa akin .
Anong meron ?
" Nasa condo - ay hindi umalis pala ng maaga , bakit ? " Nag tatakang tanong ko .
" Kayo ba ung nakita kong nanuood ng movie nung Friday ? " Takang tanong ni kuya , teka ano ?
" Hindi , ano bang sinasabi mo ? " Sabi ko at napasulyap kay jimin na ngayon ay nakatingin sa akin ! Anak ng !
" Sigurado ka ? Well , nasa iisa kayong condo , kaya hindi na ako magugulat kung magiging kayo . " Sabi ni kuya at nanlaki ang mata ko , napatingin ulit ako kay jimin at ngayon matalim na ang tingin nya kay kuya ! Nagulat ako ng nabaling ang talim ng tingin nya sa akin .
" K-kuya naman ! " Sabi ko habang hindi ako mapakali , mabuti na lang ay dumating na sila Mrs. Kim at ang kanyang asawa . Nakahinga ako ng maluwag .
" Hello Dad , mom . " Bati ni kuya kila Mrs. Kim .
" Omo !! My daughter ! Hug me please I miss you . " Sigaw ni Mrs. Kim habang dipa ang kanyang mga braso , ako naman ay yumakap na lang . Na miss ko rin kase sya .
" Mom , I'm the first to greet you ! You suppose to hug me first ! " Pag mamaktol ni kuya , natawa na lang ako .
" Oh , don't be silly . " Sagot lang ni Mrs. Kim at bumaling ulit sa akin .
" How are you ? I have something to tell you - oh ! Jimin , your here . " Sabi ni Mrs. Kim kaya napabaling ako kay jimin na ngayon ay kakatapos lang yumuko .
" Yes , taehyung told me you something to tell me . That's why I'm here . " Magalang at pormal nitong sabi .
" Yes , but before that let's eat first . " Sabi ni Mrs. Kim .
'Yon nga ang ginawa namin , nag order na si kuya kanina kaya inihahanda na lang ng my waiters ang order namin .
Habang kumakain ay panay parin ang kuwento ni Mrs. Kim , napuna pa nya na ' Mrs. Kim ' parin ang tawag ko sa kanya kaya pinag sabihan nya ako .
Oo nga pala nakalimutan ko , ' mommy ' nga pala ang gusto nyang itawag sa kanya , nakakatuwa . Siguro na miss nya talaga ako kaya ganito sya kasabik na Makita at makausap ako .
BINABASA MO ANG
♠Bts Jimin FF♠ ••My Idol Is My Husband•• ✓Complete✓
FanfictionMae Lee , an adopted daughter of Kim Family . Mae Lee is a woman who believes in love , love that she will never have . Pano ba naman kase , lahat ng gusto nya ay hindi naman siya kilala . Sa madaling salita , isa siyang fan girl . Ung babaeng makik...