" Mae , pede bang bukas pumunta ako jan ? " Tanong nya ng hindi ako ng salita .
" A-ah ano .... " Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nya , ayaw ko silang pangunahan ngunit hindi ito makakabuti sa bata lalo na't maiistress lang si crsytal dito .
" Mae alam ko , kaya wag kang magaalala . Matagal ko nag siyang hinanahanap , alam kong buntis sya . " Sabi nya at nanlaki ang mata ko , alam nya !?
" Pupunta ako jan , kakausapin ko sya . " Sabi nya sabay patay ng tawag .
Hindi ako makapaniwalang alam nya , marami na siguro silang koneksyon kaya madali lang sakanilang makahanap ng impormasyon ?
Nakatulog na ako ng gabing 'yon . Sa sofa na lang ako natulog para hindi masikipan si Crsytal sa higaan . Nagising na lang ako ng may mag doorbell sa condo ko .
Tingnan ko ang orasan at alas sais na ng umaga , nag ayos lang ako ng muka bago buksan ang pinto .
Nanlaki ang mata ko ng makita silang pito sa harap ko .
" Good morning ! " Maligayang sambit ni jungkook .
Nagmamadali akong iniwan sila sa may pinto at dumiretso say kuwarto Kung nasaan ang cr ko .
Naghilamos at nag toothbrush ako bago lumabas ng banyo , nag palit din ako ng damit .
Alaka ko si taehyung lang ang pupunta bakit lahat sila !?
Pagkatapos kong magbihis ay kakagising palang ni crsytal .
" May pupuntahan ka ? " Tanong nya at kinusot ang mata nya . Sasabihin ko bang nandito ang tatay ng anak nya ?
" Ahm ... Crsy .... Ano kagabi kase ... " Paligoy ligoy kong sabi .
" Ano ? Bakit ? Anong bang nagyari ? Ay teka , hilamos lang ako . " Sabi nya sabay bangon at punta sa banyo .
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na sya , ngumiti sya sa akin at umupo sa tabi ko .
" Ano 'yon ? " Sabi nya
" Ano kagabi — " naputol iyon ng may kumatok sa pinto .
" Mae ? Kanina pa kami dito , nan jan ba si crsytal ? " Tanong ni taehyung dahilan para matigil ang sasabihin ko kay crsytal , bakas sa muka nya ang pagkagulat .
" T-taehuyng .... " Nauutal nya sambit .
Bumukas ang pintuan at ipinakita niyon si taehyung na nakahawak sa door knob . Pag lapat ng tingin nya kay crsytal ay mabilis syang pumunta sa kinauupuan namin at lumuhod at mahigpit na niyakap si crsytal .
" Bear .... Ang tagal kitang hinanap ! " Sigaw nya at sinubsob ang ulo sa balikat ni crsytal .
" T-tae-tae .... " Mangiyak ngiyak na sambit ni crsytal at niyakap din nag mahigpit si taehyung .
Napaigtat nalang ako ng may kumalabit sa akin , tinginan ko iyon at naabutan si jimin na nakatingin sa dalawa .
" Iwanan muna natin sila . " Sabi nya at tumango naman ako .
Lumabas kami at naabutan ang lima na nakaupo sa sofa .
Ngayon ay hindi ko alam ang gagawin ko , siguro mag hihintay nalang ako matapos sila sa pag uusap sa kuwarto .
" Matagal ng hinahanap ni taehyung si crsytal mula nung umalis syang walang paalam . " Pag babasag sa katahimikan ni Seokjin .
Nag-angat ako ng tingin sa kanya .
BINABASA MO ANG
♠Bts Jimin FF♠ ••My Idol Is My Husband•• ✓Complete✓
FanfictionMae Lee , an adopted daughter of Kim Family . Mae Lee is a woman who believes in love , love that she will never have . Pano ba naman kase , lahat ng gusto nya ay hindi naman siya kilala . Sa madaling salita , isa siyang fan girl . Ung babaeng makik...