Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumalikod at tumakbo palayo sa kanila .
" Mae , wait ! " Sigaw niya ngunit hindi ko iyon nilingon .
Nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo at pinakawalan ang hagulhol na kanina ko pa kinikimkim . Nakasunod naman saakin si kuya mark at mabilis na binukasan ang sasakyan ng kotse .
Mabilis rin akong pumasok doon . Nilingon ko ang tinakbuhan Kong daan at nakitang si jimin ay tumatakbo na rin papunta sa kotse namin .
" Kuya bilis ! " Sigaw ko kay kuya at nagmamadali nya binuhay ang makina ng sasakyan ngunit bago pa kami makaalis 'don ay malakas na hampas ang narinig ko , laking gulat ko na si jimin iyon .
" Mae ! Open this door ! Open up ! Fu*k ! Mae open please ! " Sigaw nya habang panay ang hampas nya sa salamin ng sasakyan ni kuya , dahil tinted iyon ay sigurado akong hindi nya nakikita ang mga luhang pumapatak sa mata ko .
" Kuya tara na . " Wala sa sarili kong sabi at pinaandar na ni kuya ang kotse .
Hindi ko na muling nilingon si jimin . Ang sakit pala pag ganito . Ngayon alam ko na kung gaano kasakit kay mama nung makita nyang may kasamang iba si papa . Ang sakit parang pinipiga ang puso mo sa sakit .
Nakatulala na lang ako sa biyahe ng basagin ni kuya ang katahimikan .
" Saan kita ihahatid ? Gusto mo sa condo ka muna matulog ? " Sunod sunod na tanong nya .
Umiling ako at sabing " sa napili ko pong apartment kuya , don mo ako dalhin . "
Tumango naman si kuya , alam iyon ni kuya dahil isa sya sa nakakaalam ng paglipat ko ng titirahan .
Tumigil ang sasakyan ni kuya sa apartment ko . Nauna na akong lumabas at sumunod si kuya .
" Kukunin ko na bukas ang mga gamit mo doon . " Sabi ni kuya
Nasa tapat na kami ng pinto ng apartment ko .
Tumango nalang ako bilang tugon , hindi ko maigalaw ang bibig ko dahil nahihirapan akong mag salita . Kasi feeling ko anytime bubuhos ang mga luha ko .
" Sorry , you have to witness that baby . " Masuyong sabi ni kuya at niyakap ako
" O-okay lang kuya ... " Mahintang Sabi ko
" Sige na mag pahinga kana , bukas dadaanan kita . Ako ang maghahatid sayo sa school . " Sabi ni kuya .
Tumango lang ako at ng lakad na papuntang pinto . Nag makapasok ako ay agad tumulo ang mga luha ko .
Humiga ako sa kama at nag simula nag umiyak . Hindi lang ito ang unang nakaramdam ako ng ganitong sakit , nang malaman kong may ibang babae si papa ay umiyak rin ako ng ganito . Nag mamatay si mama ay nakaranas din ako ng ganito at nung namatay naman si papa ay ganon din .
Lagi nalang ako umiiyak , lagi nalang akong pinapaiyak . Wala na bang pagpapasaya sa akin ? Gusto ko lang naman sumaya , bakit ayaw nyo akong pagbigyan ? .
Nakabaluktot ako at panay ang iyak ng magring ang cellphone ko . Hindi ko na tinginan kung sino man iyon basta sinagot ko at inilagay sa tenga ko .
" Hello Mae ? Bakit nan dito si mark at sabi kukunin na daw ang mga gamit mo !? " Sigaw ni taehyung sa akin . Kala ko naman bukas pa kukunin ni kuya , ngayon pala .
Napaayos ako ng higa at hindi mapigilan ang pagkawala ng mumunting hikbi .
" Wait— are you crying ? " Nagaalalang tanong nya
" H-hindi naman ... " Nang hihina kong tugon .
" Why— what are you doing here ! Why are you taking her things ! Where is she ! " Sigaw galing sa background ni taehyung .
BINABASA MO ANG
♠Bts Jimin FF♠ ••My Idol Is My Husband•• ✓Complete✓
FanficMae Lee , an adopted daughter of Kim Family . Mae Lee is a woman who believes in love , love that she will never have . Pano ba naman kase , lahat ng gusto nya ay hindi naman siya kilala . Sa madaling salita , isa siyang fan girl . Ung babaeng makik...