Happy reading guyss !! 😚😚
Chapter 45
{ Mae , bakit ganito , lahat naman ginawa ko , ah . Bakit ayaw nya paring bumalik sa akin ? Dalawang taon na , Mae . Dalawang taon ... } Naghihinayang na sabi sa akin ni Nate .
Isang buwan na matapos nilang malaman na kami na ni jimin , sa una ay hindi pa ako sana'y sa bawat pag labas ko sa condo ay may nga pasimleng pi-picturan ako .
Para na tuloy akong artisa , sa bawat kibot ay kinukuhanan ng litrato . Meron din mga tao na galit sa akin , siguro hindi na mababago iyon , dahil idol nila ang boyfriend ko . Ganon naman palagi , e. Kapag in a relationship ship ang isang idol ang kalahati sa fans nila ay magaglit , magwawarla . Siguro hindi nila taggap na ung idol nila ay may relationship na.
Pero sana mawala na 'yon , dahil tao rin naman sila . Gusto lang nilang mamuhay ng tahimik , gusto lang naman nilang umibig , e. Bakit maraming hadlang ?. 'Yan rin ang isa sa mga kinakatakutan ko , dahil alam ko na maraming magagalit . Pero pinanatag ni jimin ang loob ko .
Sabi nya na , maiintindihan iyon ng mga army's . Dahil mahal nila sila at mahal rin nila ang mga ito . Kaya napanatag ang loob ko , at may natatanggap akong mga sweet message galing sa kanila , meron ding birthday gift ! Kaya masaya at panatag ang loob ko .
{ Mae , nan jan ka pa ba ? } Tanong ni Nate , ay oo nga pala kausap ko nga pala 'tong broken hearted na 'to .
" Oo naman , sige labas mo lang . Makikinig ako. " Matamtam na sabi ko , Hindi ko akalain na ang isang Khalid Nate Salendrez ay iiyak at mag mumukmok dahil lang sa isang babae!
{ Pano ko sya makukuha ulit ? Ang Bobo ko kase , e. Bakit ko nga ba iyon sinaktan ! } Sabi nya sa akin.
" Oo bakit nga ba ? Oo bobo ka , mahal na mahal ka nung to tapos sasaktan mo lang ! " Sambit ko at napatigil sya , ano natauhan ka rin , kasalanan mo naman kase , e !
{ Oo nga pala , kasalanan ko . } Sabi nya sabay tawa , baliw na ata ang isang ito .
" Buti na tauhan ka na . " Sabi ko at umiling , ilang oras na 'din akong nakikinig dito , ah .
{ Salamat sa pakikinig , kaya mahal — }
" Na ka-loud speaker 'to , pag narinig ni jimin 'yang sasabihin mo yari ka . " Pag babanta ko sa kanya. Natawa na lang sya at nag paalam na.
Umalis na ako sa pag kakaupo sa duyan at pumunta na sa kusina , hindi ako pumasok ngayon dahil masama ang timpla ko . Kaninang umaga lang ay nag suka ako , hindi ko naman alam kung ano ang nakain ko kagabi . Dahil parehas lang kami ni jimin na kumain sa restaurant , kaya nag tataka ako kung bakit ako lang 'yung sumusuka , bakit hindi sya kasali ?
Binaniwala ko na lang iyon at pinagluto na nag hapunan si jimin , paparating na daw kase sya , sabi nya sa akin bago tumawag si Nate . Speaking of Nate , nasa pilipinas parin iyon , hindi na dahil sa trabaho ngunit dahil na sa babae .
Nag makaluto ay naligo muna ako , dahil ilang minuto na lang ay darating na si jimin . Nag matapos ako at sinuot ko ang inihanda kong damit , maganda ito . Saktong sakto lang ito sa akin at bigay ito ni jimin nung birthday ko . Akala ko nga nakalimutan nya ang birthday ko noon , dahil hindi man lang ako binati ! Ang sama ng ugali , pinaiyak pa ako bago sabihin sa akin na alam nya at may surprise sya sa akin !
BINABASA MO ANG
♠Bts Jimin FF♠ ••My Idol Is My Husband•• ✓Complete✓
FanfictionMae Lee , an adopted daughter of Kim Family . Mae Lee is a woman who believes in love , love that she will never have . Pano ba naman kase , lahat ng gusto nya ay hindi naman siya kilala . Sa madaling salita , isa siyang fan girl . Ung babaeng makik...