Umalis na nga kami pag katapos kong mag bihis , ngayon ang unang araw — hindi pangalawa na pala .
Kinakabahan ako dahil nakasakay ako sa sasakyan ni jimin , pano kung may makikita say amin ? Kaya nga nga nakacap at mask ako para sigurado di ba . Wait tinted ba 'to ?
Baka may makakita talaga sa amin ! Letsugas na jimin kase 'to , e ! Sabing sa sasakyan na ako ni Nate , sumabay ayaw pa pigil !
Kaya ayon ! Nan dito ako ngayon ! Letsugas !
" Babe . Are you mad at me ? " Sabi nya sabay hawak sa kamay ko mabilis ko naman iyong tinabig .
" Babe ! Come on , let me hold your hands . " Sabi nya sa malumanay na tono at sinubukan ulit hawakan ang kamay ko ngunit iniwas ko 'yon .
" Babe , I'm sorry . Wag ka nag magalit , please ? " Sabi nya at napasulyap ako , nakita kong nag pout sya at sumulyap sa akin . Nag makita nyang nakatingin ako at lalo syang ng puppy face .
" Gusto lang naman kitang makasabay sa pagpasok , e . Wag ka nag magalit . Please talk to me . " Sabi nya habang hinawakan na ang kamay ko . Hindi ko na iyon magawang alisin dahil hinigpitan nya na ang pag kakakapit sa akin .
" Pano kung makita tayo nila dito , ah ! Anong gagawin mo ?! " Inis kong sabi sa kanya .
" Hindi nila tayo makikita , pangako . " Sabi nya at hinalikan ang kamay ko .
" Bakit ka nga ba nakamask at cap ? " Takang tanong nya habang niliko ang manibela .
" Para walang makakilala ! " Sabi ko , malapit na ata kami sa kompanyang nila dahil nadaanan na namin ang kilalang cake shop .
" Nako talaga jimin pag tayo talaga mahuli — "
" Edi mahuli , ano naman . " Sabi nya na para bang baliwala lang iyon !
" Anong 'ano naman' ! " Inis na sabi ko .
" Ano ngayon kung mahuli tayo ? Wala naman tayong ginagawang mali , ah . " Sabi nya at sumulyap ulit sa akin . Lalong nan laki ang mata ko , ano ba 'tong taong 'to ! Hindi nya ba alam kung anong magyayari kung makikita kami !
" Pag nahuli nila tayo tatanungin ka nila , anong isasagot mo 'dun ! Ano ! " Sabi ko sabay haklit sa kamay ko . Napatingin sya 'dun at binilisan ang pagpatakbo ng sasakyan .
" Hoy ! Jimin ano ba ! " Sabi ko sabay hampas sa kanya , ngunit hindi sya nakinig at mas lalo nya lang binilisan iyon . Nag makarating kami sa parking lot ng company ay agad ko syang tinignan nag masama .
" Alam mo ikaw — "
" Ano naman kung mahuli tayo ? , ano naman kung tatanungin nila ako tungkol sayo ? Edi sasabihin ko na ex-fiancé kita ! Ex-fiancé ko na gusto kong balikan ! " Sabi nya habang nakatingin sa akin ng diretsyo ako naman ay hindi makagalaw dahil sa mga sinabi nya .
" P-pano si da yul ? Pano k-kayo — "
" Walang kami ! At kung ano man ang namamagitan sa amin ay pag kakaibigan lang iyon ! Mae , sa una palang ikaw lang , nag umalis ka ikaw pa din hanggang ngayon ikaw , ikaw lang Mae , wala ng iba . " Sabi nya .
Bakit parang hinihele ako sa langit sa mga sinabi nya ? Ako lang ? Simula noon hanggang ngayon ako lang ? May ganon ba ? After 5 years ako pa din ?
" Mae , please accept my love . I swear I'm gonna be a good husband , a good father . J-just please come back , come back to me again . Please . " Sabi nya at niyakap ako , ako naman ay kahit may mask ay lumuluha na , hindi ko mapigilan . Masakit na masaya ang nararamdaman ko .
BINABASA MO ANG
♠Bts Jimin FF♠ ••My Idol Is My Husband•• ✓Complete✓
FanfictionMae Lee , an adopted daughter of Kim Family . Mae Lee is a woman who believes in love , love that she will never have . Pano ba naman kase , lahat ng gusto nya ay hindi naman siya kilala . Sa madaling salita , isa siyang fan girl . Ung babaeng makik...