Chapter Eight

755 35 1
                                    

Maraming bagay talagang hindi mapupunta sa atin , kahit anong hiling na 'tin . May mga bagay na binibigay sa atin ngunit may kapalit , kagaya ng sa 'kin hiniling kong maging asawa ko sya . Hiniling ko na sana , darating ang araw na magiging akin sya .... Ngunit ng nasa akin na sya may iba naman syang mahal .

Nag makaakyat ako agad akong dumiretso sa kuwarto at nilock iyon . Ayoko ng interaksiyon sa kahit na sino man sa kanila . Alam kong alam nila kung sino ung tinutukoy ni Jimin , dahil sa tagal na nilang magkakasama imposibleng mag lihim si Jimin .

Dahil wala akong magawa tinawagan ko nalang si kuya Mark . Sana hindi sya busy , e Wala naman pagkakaabalahan nyon . Matawagan nga .

Tatlong ring lang ay sinagot na agad nya . Good boy ..

" Hello my kuya !! " Sabi ko

{ Hello , ano problema mo ? } Tanong nya

" Wala , porket tumawag ako may problema na agad ? Di 'ba pwedeng miss lang kita ? " Pag aasar ko sa kanya . Alam ko kasing naiirita sya pag nilalambing ko sya , kasi kahit hindi talaga kaming mag kadugo tinuring na namin ang isat'isa na tunay na magkapatid

{ Manahimik ka nga jan ! Ano ? May problema ka noh ? Sino ? Ung future asawa mo ba ? Ha ? Ano sabihin mo lang at uupakan ko na 'yan ! } Sabi nya saakin

" Hay nako si kuya talaga ! , Tumawag ako para mag tanong kung pwede ka ba ngayon ? Samahan mo naman ako oh " Sabi ko sakanya . Alam Kong papayag ka kuya , wag mo akong subukan

{ Bakit ? Di 'ba may dinner kayo ni mommy ? } Takang tanong nya saakin.

" E kasi ano eh ... Sasabihin ko sayo pag pumayag kang samahan ako . Ano samahan mo na kasi ako kuya , please" Sabi ko sakanya , kuya sige na !

{ Sige na nga . Susunduin ba kita o Hindi ? } Tanong nya saakin

" Wag na , ahm ... Aabagan nalang kita sa may kanto " Sabi ko , dahil kung susunduin nya ako malalaman nilang aalis ako , at magtataka naman si jimin kung malalaman nya iyon . Tama-tama Hindi ako mag papalam sa kanila , dadaan nalang ako sa likod . Magaling Mae , magaling !!

{ Oh sige text nalang kita pag nasa kanto na ako } Sabi nya

" Sige kuya bye !! " Excited na ako !!

{ Sige na bye ! } Sabi nya at pinutol ang linya

Sayang naman kase ung suot ko noh ! Ang ganda ganda ko dito tapos hindi ko magagamit ? Ha ! Takte kasing usapan 'yon nag iba tuloy ung mood ko ! Potek !

9:30 nag mag text saakin si kuya na nandoon na daw sya sa kanto . Sinabi ko na papunta na ako , kailangan ko nga lang maging maingat na huwag nilang matunugan na aalis ko .

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan saking kuwarto , nag lakad ako mabuti patingin tingin kung meron bang nakakakita sa ginagawa ko .

Nasa pintuan na ako papuntang likod ng may nagsalita sa likod ko

' Saan ka pupunta ? ' halos mapatalon ako sa gulat ! Potek ! Sino naman 'to !?  Dahan-dahan ko syang nilingon at nakita ko na si suga pala iyon

' Ah ano kasi .... Uhm .... ' ah shit ! Pano 'to ! Potek !!

' Kasi oppa wag kang maingay ha ? Satin satin lang 'to ok ? ' tanong ko sa kanya at ng taas sya ng kilay bago sumagot

' May pupuntahan ka ? Sino ? Boyfriend mo ? ' Sabi nya saakin . Boyfriend ? Hmm...

' Oo e , actually kanina pa nga sya nag hihintay so sige na oppa , please ... ' Sabi ko at nag paawa , Sana gumana potek !

' Uh-huh may boyfriend ka kahit mag papakasal ka na ? ' Sabi nya at taas ng kilay

' K-katulad lang ako ni Jimin noh ! D-di ba sabi nya n-na hindi nya ako m-mahal at may mahal na syang iba , p-puwes ako din meron din ako ! S-sasabihin ko na lang kay mommy n-na wag na lang ituloy ang kasal . ' Pagsisinungaling ko sa kanya

' Sige na umalis ka na baka kanina pa ng hihintay ung boyfriend mo . ' Sabi nya sabay talikod saakin

At nang tumalikod na sya saka ako umalis . Nag makapunta na ako sa kanto na kita ko na agad ang kotse ni kuya . Kinatok ka ang window nya .

' Kuya ! Kuya !? ' Sabi ko habang kinakatok ang car window nya . Nu ba 'to !

' Hoy ! Anong kinakatok katok mo jan ? ' Napatalon ako ng may mag salita sa likod ko , at nang humarap ako ay laking gulat ko na si kuya 'yon ! Potek ! Kung nan dito si kuya .... Kaninong kotse 'to ?

' H-hindi mo 'to kotse ? B-bakit ka nan Jan ? ' Takang tanong ko sa kanya

' Nag lakad lang ako noh ! Exercise din 'yon ! ' Sabi nya sabay talikod saakin

' Hoy kuya sandali ! ' Sabi ko at hinabol sya

' So ano nga 'yon ? Hindi ka naman magyayaya kung wala kang sasabihin . ' Sabi nya at nagpatuloy sa paglalakad

' Ah kuya pag nag mahal ka ba kailangan kang masaktan ? Hindi ba puwedeng happy happy lang ? ' Tanong ko na ikinatigil nya sa pag lalakad at humarap sa 'kin .

' Bakit mo naman tinatanong 'yan ? Bakit mahal mo na ba sya ? Hmm ? ' Sabi nya

' A-ah b-bakit ma sama bang mag tanong ha ! Tinatanong lang naman kita ! Kung ayaw mo e di wag ! ' Sabi ko at inunahan sya sa pag lalakad

Tse ! Nag tatanong lang e ! Huminto ako sa restaurant na pupuntahan namin .

' Dito tayo kumain kuya ! ' Sabi ko sabay turo sa loob

' At Sino naman ang mag babayad ? ' Sabi nya ng makarating sya sa harap ko

' Syemper ikaw kuya ! Tingnan mo oh ! Wala akong kadala dala kundi cellphone lang ! Alam mo bang tumakas lang ako dun ! ' Sabi ko sabay ngiti

' Tumakas ka !? ' Gulat na tanong nya saakin

' Syempre kuya ! Ikukuwento ko saying sa loob , kaya arat na ! Kanina pa ako na gugutom e ! ' Sabi ko sabay hila sa kamay nya papasok sa restaurant .

Nag makarating kami sa saaming upuan , ay ng order agad si kuya ng makakain namin . At ng umalis na ang waiter ay nag salita si kuya ...

' Oh ano sabihin mo na ! Kanina pa ako ng hihintay Mae ! ' Sabi nya saakin , takte galit na ata !

' Uhm... Oo tumakas ako .... Kase Sabi ko Kay jimin na pagod na ako at tinatamad ng punta sa dinner ... Kase naman e .... Good mood ako kanina kaso ..... ' Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya

' Kaso ano ? ' tanong nya saakin

' M-may narinig ako ... N-na meron syang ibang mahal , p-pero ! ... Alam ko naman nyon kase bago sila ng disband may rumor ng lumabas ... Kaso masakit e , ' Sabi ko at tumingin sa kanya .

' Kuya , M-mahal ko na ata sya ... ' Sabi ko at may naramdaman na lang ako na mainit na tubig na dumaan sa aking pisgi , mabilis ko itong pinunasan at ng iwas ng tingin sa kanya .

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa sakit , sabi ko na nga ba ... Masama saakin ang masaktan .....

#awittt

♠Bts Jimin FF♠ ••My Idol Is My Husband•• ✓Complete✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon