Chapter 54- Walang Kamalayan

111 6 0
                                    

Nakatulala lamang si Macario habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na lumang litrato.

"Ano ang...ibig sabihin nito?" Tanong pa niya.

At muling bumalik sa kanyang isipan ang mga imahe at kaganapang hindi niya maipaliwanag. Ang mga bagay na maaaring nasa pinakaliblib na bahagi ng kanyang isipan.

Ang mga nakasabit na kalansay, mga boses na bahagya niyang naalala ngunit di niya nakikilala. Kaya naman ay sumakit na naman nang husto ang kanyang ulo 'di katagalan ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay.

----------

Alas siyete ng umaga, makalipas ang limang araw. Dumating na sina Lim at Tamayo sa istasyon nang biglang may tumawag sa atensyon nila nppng kakapasok pa lamang nila sa loob.

"S/Insp. Lim, nandito na po pala kayo. Tamang-tama po." Bati pa ng detective na si Jomar Inclan. Niyaya nito ang dalawa sa kanyang opisina at doon niya raw ikwento ang nangyari. nitong mga nakaraang araw.

"May insidente po ng pagpapakamatay ang naganap nu'ng nakaraang limang araw, kung di niyo pa po nababalitaan..." Wika pa ni Inclan.

"...ang biktima po ay si Jonathan Aquino. Natagpuan na lamang ito ng kanyang asawa na nakahandusay na lamang at naliligo sa sarili nitong dugo habang hawak-hawak pa rin ang baril na ginamit niya sa pagkitil ng sariling buhay..."

"...pina-autopsy na rin ang mga labi niya nang dalawang araw kaya sigurado na kami na self-inflicted talaga ang sanhi ng pagkakamatay nito—base na rin sa lumabas na resulta."

"Tapos, bakit kailangan namin itong malaman?" Tanong pa ni Lim kay Inclan.

"Kasi po, ayon sa statement ng asawa nito, ang huling kasama nito bago magpakamatay ay walang iba kundi ang matalik nitong kaibigan na si Macario Gomez." Sagot nito.

"Teka...ano?" Nagtatakang tanong ni Lim.

"Opo...tama po kayo nang narinig."

"Nakakuha na ba kayo ng pahayag na nanggaling sakanya?

"Unfortunately, wala pa po, dahil ayon sa asawa nitong si Mrs. Helen Gomez, ay ilang araw na itong hindi nakakauwi. Hindi niya rin ito macontact. Nakakasuspetya na po ako na may kinalaman si Macario Gomez sa pagpapakamatay ni Aquino, kaya pinaghahanap na po namin siya ngayon. At kaya rin po 'di na ako nagdalawang-isip na ikonsulta ito sa inyo, since may kaso naman po kayong hinahawakan na kung saan involved ang kanyang." Pagpapaliwanag ni Inclan.

"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa amin?"

"Pasensya na po kayo...mas pinili ko na lang pong unahin ang paniniguro sa kaso na 'to."

"...sa ngayon po ay nasa punerarya na po ang mga labi ng biktima..." Dagdag pa nito.

Umalis na sina Lim at Tamayo patungo sa puneraryang kinaroroonan ng mga labi ni Jonathan Aquino. Sinunod lamang nila ang direksyon na binigay ni Inclan sa kanila.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon