Chapter 30- Naputol na Tali

168 6 5
                                    

Perspektibo ni Tamayo
_________________
Pinuntahan ko ang Bangko at around 7 AM. Pero hindi ako nagpakita dahil baka pag makita ako ni Audrey ay bigla na naman siyang aalis. Pinarada ko ang sasakyan sa may department store, malapit lang sa bangko. Napansin ko na unti-unti na palang nagsisidatingan ang mga empleyado, habang nasa loob lang ako ng kotse at nagmamasid.

Dapat hindi na ako papalpak ngayon, kahit ano ang mangyari.

Tinitignan ko isa-isa ang mga pumapasok sa opisina habang pinagmasdan ang masamang panahon sa labas. At dala nga ng matinding pagkulimlim ay kinailangan ko nang buksan ang bintana kong tinted para makatingin nang maayos. Sa mga oras na ito ay hindi pa rin siya dumadating.


Hindi katagalan ay bigla na lang nagring ang cellphone ko. Number lang ang tumatawag pero sinagot ko pa rin ito.

"Hello?" Ako na naghihintay ng sagot sa kabilang linya.

"Hello, Zach?" Familiar ang boses na to kaya nakilala ko agad. "Si Riza to." Batid ko pa.

"Uy, Riz. Ikaw pala yan. Napatawag ka? Si Sir kamusta?"

"Nagpapagaling pa rin. Gusto ko lang ipaalam sayo na nandito yung Mama ng hinahanap niyo. Baka pwedeng dumaan ka muna dito saglit para mag-entertain sa kanya." Sabi niya pa habang pinagmamasdan ko pa rin ang mga nagsisipasok na mga empleyado at mga kliyente.

"Sige, papunta na ako." Sagot ko pa kasabay ng pag-andar sa sasakyan.

----------

Pagdating sa ospital, ay nakita ko si Mrs. Gomez sa loob ng kwarto ni Sir, nakaupo at kinakausap ni Riza. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya ang tungkol sa estado ng imbestigasyon namin ngayon at kung makakayanan ko ba 'tong gawin—'bagay na 'di kayang gawin ni Sir Lim. Ikakagulat kaya niya? Ikakainis? Madidismaya? Hindi ko masabi.

Pero siguro ngakailangan ko nang magtapat sa kanila para maintindihan nila. Nagtatalo na nga ang konsensya at pagnanais ko sa kaliwa at kanan sa kung ano ba ang dapat kong gawin habang naglalakad patungo sa kanila. 

Nang binuksan ko na ang pinto ay bumaling ang atensyon ni Riza sa akin at sinalubong ako ng napakagandang ngiti. Ang bagay na ngayon ko lang ulet nasilayan matapos ang mahigit 15 taon.

"Maiwan ko po muna kayo." Pagpapaalam pa ni Riza kay Mrs. Gomez, bago siyang umalis.

"Iho, kamusta ka na?" Pagbati pa ni Mrs. Gomez sa akin.

"Maayos naman po. Kayo po ba?"

"Maayos lang din ako."

"Kayo lang po ba ang nandito? Nasaan po si Mr. Gomez?" Tanong ko sa kanya habang nakatuon lang ang paningin kay Sir Lim na nakaratay sa kama.

"Nasa trabaho siya. Gusto niya sanang bumisita pero kailangan niyang bumawi sa pagleave niya nang matagal na panahon." Sagot niya sa akin.

Nginitian ko siya at pagkatapos nu'n ay pareho kaming natahimik saglit. Hindi ko matiis ang katahimikang yon kaya naisip ko nang magsalita.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon