Nag-aalala na si Helen. Tatlong araw na ang lumipas ngunit hindi parin tumatawag o nagpaparamdam si Teresita sa kanila. At wala parin silang balita sakanya. Nagmessage si Andre sa Ate niya sa social media ngunit di rin ito sumasagot. Tinetext naman pero ganun parin. Isang araw lang ang lilipas patungo sa destinasyon niya ngunit tatlong araw na itong hindi nagpaparamdam.
"Wala paring reply?" Tanong ni Helen kay Andre.
"Wala parin, Ma. Baka walang signal doon."
"Hindi naman pwedeng walang signal doon. Eh bayan yun. Hindi naman siya pumunta sa bundok."
"Eh, paano yan?"
Hindi na sumagot si Helen sa bunso nitong anak. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala kay Teresita.
"Ay, Ma. Aalis po ako mamaya."
"Saan ka na naman pupunta?!"
"Eh, birthday ni Vanessa kailangan kong pumunta. Ininvite ako, hindi ako makatanggi."
"Ikaw bata ka, alam mo na ngang may problema tayo rito, magbibirthday-birthday ka pa. Sige, kunin mo na ang pera doon sa bag ko. Basta tawagan moko pag nagreply na ang ate mo, ah."
"Sige, Ma. Salamat."
Umalis na si Andre habang ang ina ay nag-aalala parin. Napa-upo na siya sa sofa. Sinubukan niyang tawagan ulet pero cannot be reached parin. Naluluha na siya sa pag-aalala.
"Ayan ka nanaman." Nagulat si Helen nung marinig ang boses.
"O, ikaw pala. Paano ba akong hindi mag-alala? Tatlong araw nang hindi tumatawag ang anak ko." Wika pa ni Helen.
"Mamaya, kung wala parin tayong contact sakanya, irereport na natin sa mga pulis." Sagot ni Macario sakanya.
"Natatakot ako." Nagsimula na siyang humahagulgol.
"Wag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat."
Sagot ni Macario bago niyakap ang asawa.-----------
Perspektibo ni Andre
__________
Dumating na ako sa bahay nina Vanessa. Napaka-awkward pumunta sa kaarawan ng ex-girlfriend ko pero pinilit niya ako, kaya hindi na ako nakatanggi. Isa pa, matalik naman kaming magkaibigan mula noong una pa lang kaya kahit ano pa ang nangyari sa amin ay okay lang sa kanya.
Tinawagan ko si Bryan para sunduin ako sa labas ng gate dahil nga nahihiya akong pumasok.
"Hello, Pre. Saan kana?"
"Oi Dre, nandito ako sa bahay."
"Ha? Nandito na ako kina Vanessa."
"Ah ganon ba? Sige mag-enjoy ka na lang diyan. Naglalaro kasi ako ngayon."
"Tangina ang sabi mo, sasamahan moko rito!"
"Oo, Pre. Ang kaso, hindi ako pinayagan ni Mama pumunta eh."
"Ang tanda mo na, kailangan mo pang humingi ng permiso?"
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Mystery / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...