Chapter 15- Roberto Tuazon

250 8 0
                                    

Agad akong pumunta ng istasyon matapos ko marinig ang balitang yon. Sa pagpasok ko sa interrogation room ay naabutan ko na lang si Tristan na wala nang buhay at nakahandusay na sa sahig. Ang kanyang sinturon ay nakapalipit sa leeg—na nagsasabing nagpakamatay ito habang nandito sa loob.

"PAANO ITO NANGYARI?!" Tanong ko pa roon sa naatasang magmonitor dapat sa kanya.

"Pasensya na po kayo, Sir. Nakatulog po kasi ako sa duty." Pagdadahilan pa nito.

"Nakatulog, putang ina?! Bakit? Hindi ka ba natulog kagabi? Ha?! Tao yang binabantayan mo dito, TAO NATIN! Paano pag may armas yang nakatago at nakatakas dito? Eh, di patay ka?!"

"Pasensya na po, Sir. Di na po mauulit."

"Anong hindi na mauulit?! TALAGANG HINDI NA TO MAUULIT! Wala na eh, PATAY NA!"

Sadyang hindi ko talaga mapigilan ang matinding galit dahil sa nangyari. Halos masampal ko na yung nagmomonitor sa kanya nitong mga oras dahil sa kapalpakang hindi na mababawi. Wala na yung inakala kong susi para mabuksan ang pintuang naglalaman ng mas marami pang pinto. 

Kinalabit na ako ni Chief Bernales sa balikat upang awatin ako sa pangalawang pagkakataon.

"Tama na yan, Senior Inspector. Nangyari na yan. Kahit ilang ulit mo pa yan pagagalitan, wala na tayong magagawa. Ako na lang ang hihingi ng paumanhin para sa kapabayaang ito. At ako na rin ang bahalang magbigay ng parusa sa kanya." Aniya.

"Puta, nandoon na yun..." Panghihinayang ko pa.

Hindi pa nagtagal ay pumasok na ang medical team para subukang i-revive si Tristan sa pamamagitan ng CPR—bilang protocol.

Hinubad nila ang pang-itaas nito at nakaagaw sa atensyon ko ang tattoo sa kanyang likuran—isang leon na nakapaloob sa araw.

Matapos yun ay lumabas na kami ng Interrogation room at pumunta sa kanyang opisina. Hindi pa rin nawawala ang init ng ulo ko pero kailangan ko nang isantabi ang lahat ng galit na nararamdaman ko para magawa ko nang matiwasay ang trabahong to.

"Ano ang plano mo ngayon, Chief?" Tanong ko pa kay Chief Bernales na papaupo pa lamang sa kanyang desk.

"Kailangan matunton at makilala natin ang mga kaanak ni Tristan. Kaso ang problema lang ay hindi namin alam kung ano ang apelyido niya. Noong nahuli kasi namin siya, ay wala siyang dalang ID o anumang mga bagay na pwedeng makapagtukoy sa kanyang pagkakilanlan.  Ang tanging nakuha lamang namin sa kanya ay ang notebook na ito ngunit walang nakasulat na makapagsabi sa kung ano ang buo niyang pagkatao."

Pagpapaliwanag pa ni Chief Bernales sa akin.

Binigay niya ang notebook na ito at noong binuklat ko ay purong mga iba't ibang numero at letra ang nakasulat sa bawat pahina.

"Cipher nanaman?"

Pagkatapos nito ay nagpaalam na ako kay Chief Bernales para umuwi. Bitbit ko ang pagkadismaya dahil sa nangyari, kasama ang mga babala sa akin ni Superintendent Lopez kanina. Naglakad ako pauwi sa tinutuluyan kong apartment at noong makarating na ako sa ikalawang palapag, ay bumungad sa akin isang karton na nasa labas ng pintuan ko. 

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon