Chapter 16- Pagliyab ng Apoy

214 7 0
                                    

Alas dose na ng hating-gabi, nasa beerhouse pa rin si Macario. Kahit hindi na kaya ng kanyang katawan ay sige pa rin siya sa pag-inom. Sa isip-isip niya pa ay masyado nang mabigat ang kanyang mga pasan-pasan, dulot ng pagkawala ng kanyang anak—at ang pag-alis ni Helen sa kanilang bahay dahil sa walang-tigil na alitan. Kaya naghahanap siya ng paraan para malimutan ang kanyang mga problema kahit papano.

Kasabay ng kanyang pagtagay ang panduduro at pagsisigaw sa bartender na bigyan pa siya ng tatlong bote. Sa mga oras na ito ay pinagmamasdan na siya ng mga bouncer at iba pang customer doon—at karamihan ditto ay naririndi na sa kanya.

Hindi pa nagtagal ay dumating na rin si Jonathan, sa beerhouse nay un, matapos siyang tinawagan ng may-ari ng beerhouse na nagkataong kakilala din nila.

"Pare, tama na yan. Iuuwi na muna kita." Aniya.

Nagmatigas pa ito noong una pero di kalaunan ay napasama na rin dahil sa sobrang kalasingan. Binuhat ni Jonathan ang  kaibigan sa kanyang sasakyan at ipinasok ito sa backseat para kahit papaano ay makakahiga ito roon.

"Anong oras na, o? Bakit hindi ka pa umuuwi? Tanong pa ni Jonathan kay Macario.

"Bakit...pa ako uuwi sa bahay na w--walang laman?!" Sagot pa nito sa kanya.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na nakasagot si Macario rito. Pagsilip ni Jonathan sa kaibigan ay nadatnan niyang natutulog na ito. Kaya minabuti niya nang iandar ang kotse saka umalis.

At dahil pasado alas dose na ay doon na lang muna inuwi ni Jonathan si Macario sa kanila. Dahil inisip niyang makakadistorbo pa siya kina Helen doon. Habang binubuhat niya si Macario patungo sa bakanteng kwarto nila ay bumubulong-bulong pa ito na tila nananaginip.

"Teresita...umuwi ka na, anak."

Biglang nalungkot si Jonathan para sa kaibigan. Palagay niya ay ito ang nagdulot ng paglalalasing ni Macario.

----------

Kagigising lang ni Andre sa mga oras na ito. At gaya ng nakagawian mula nung masuspinde sa klase ay alas diyes na itong nagising. Pagklabas ng kanyang kwarto ay kumatok siya sa pinto ng kaniyang mga magulang—walang sumasagot.

"Pa?" Tawag niya pa ngunit wala pa ring sumasagot.

Hindi rin ito nakalock kaya binuksan niya na lamang ang pinto. Pagkabukas ay wala siyang nadatnan doon kaya isinara niya na lang muli.

Kahit na hindi mabuti ang nagging asal ni Andre noong mga nakaraang araw ay hindi niya maipagkakaila na nag-aalala siya sa kanyang mga magulang. Nag-aalala siya dahil umalis ang kanyang ina, bunga ng madalas na pagkikipagtalo nila ng kanyang ama—at ang pagpapagabi ng kanyang ama sa bahay, magmula noon. Pero higit pa roon ay nag-aalala siya para sa kanyang Ate na hanggang sa ngayon ay wala pang paramdam sa kanila, at patuloy na pinaghahanap.

Bumaba na si Andre sa kusina para mag-almusal. Nakasalubong niya roon si Xandra na naglilinis, at binati siya nito.

"Andre, gising ka na pala. Nakahanda na ang almusal diyan sa lamesa, kumain ka na lang." Bati pa nito kay Andre.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon