Chapter 39- Di Matinong Kausap

136 7 4
                                    

6:30 AM na kaming nagising. Nakakalat ang lahat ng mga papeles at iba pang mga dokumento na siyang binasa namin kagabi. At kasama na rito ang mga diary ni Teresita na binigay sa akin ni Zack, na ngayo'y natutulog pa't humihilik. Hindi ko na rin siyang ginising para masulit talaga niya ang kanyang tulog, dahil isa na naman itong napakahabang araw ang sasalubong sa amin ngayon.

Kasabay din nito ay napapaisip ako kung akailanganin ko na kaya ang tulong niya—gayong may mga nakikita na akong sa palagay ko ay siya lang ang makakaalam at makakatulong sa akin. Pero isinantabi ko na muna ang ideya na yan dahil gusto ko pang mag-usisa batay sa kakayahan at kaalaman ko.

Hindi katagalan ay bumangon na rin para ako para maligo at ihanda ang mga gagamitin ko sa araw na ito.

----------

Dumating na kami sa Istasyon. Sa pagkakataong ito ay pinasama ko na si Zach sa loob ng interrogation room, para may mag-eevaluate sa kilos nito habang iniinterrogate ko siya. Samantalang nasa labas naman sina Chief Bernales at iba pang mga Pulis—na makikinig sa amin sa buong oras.

Ngayon ay alam ko na kung ano ang gagawin para magsalita itong si Sameer. May baraha na akong nakatago sa oras na manggagago na naman ito sa aming pagku-kuwestyon sa kanya.

"Ba't hindi na kayo bumalik kahapon? Wala tuloy akong makausap." Ito pa ang pagbati ni Sameer sa amin.

"Utang na loob, tumigil kana sa pananarantado mo samin." Naiiritang pagsagot ni Tamayo sa kanya.

"Tanginamo, Jack. Ikaw yung ayaw kong makausap."

"Zach ang pangalan ko, gago ka ba?!"

"Aba, ano ang pakialam ko?!"

"Tama na yan!"

Bago pang magkainitan ang dalawa sa muling pagkakataon ay agad ko na silang inawat, nang sa ganoon ay magiging matiwasay ang huling araw namin ng pag-iinterrogate kay Sameer sa ngayon.

"Para sa araw na ito ay wala kang ibang gagawin kundi ang sumagot sa mga katanungan ko. At gusto ko na sa pagkakataong ito ay seseryosohin mo ang lahat ng ito. Maliwanag ba, Ajith?" Dagdag ko pa.

Alam niya na kung ano ang ibig-sabihin ko nang binanggit ko sa kanya ang kanyang tunay na pangalan. Ang ngiti sa kanyang mukha kanina ay agad ding napalitan ng pagkakagulat nang marinig yun mula sa akin.

Wala siyang ibang choice kundi ang makipag-koopera sa akin; dahil kung hindi ay sapilitan siyang uuwi do'n sa kanila—at hindi ko alam kung ano ang bigat ng krimeng nagawa niya roon para kailanganin niyang lumisan patungo rito.

"Gaanong katagal mo nang kakilala si Teresita Gomez, bago siyang mawala?" Ito ang panimula kong katanungan sa kanya.

"Mahigit dalawang linggo pa lang." Sagot naman niya sa akin na medyo tumugma naman sa diary ni Teresita na kababasa ko lang kagabi.

"At saan mo siya nakilala?"

"Ano ba yang mga tanong mo? Nasa pakiligan ba tayo ng love story?"

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon