Tumawag ang pulis kay Papa. Gaya noong una, hindi na naman mapakali si Mama sa pag-abang ng balita tungkol kay ate. At halos hindi na siya umalis sa likuran ni papa para alamin kung ano na ang nagiging progress sa paghahanap kay Ate.
"Sigurado ba kayo? Sige, sige. Pupunta ako." Sabi pa ni Papa sa taong nasa kabilang linya.
"O, ano daw?"
"Nakipagcoordinate daw sila sa mga Pulis ng Caragao. Nahanap na raw ang sasakyan ni Teresita sa isang kalsada doon. Nakabukas raw ang lahat ng mga pinto at may mga numero raw na nakasulat sa windshield. Pero hindi nila mahanap si Teresita."
"Ano na ang gagawin natin?!"
"Basta kumalma ka lang diyan. At least may napala ang paghahanap nila."
Pumunta na sina Mama sa istasyon. Syempre, sumama ako bilang nag-aalala rin ako sa kalagayan ng Ate ko. Ipinakita sa amin ng Pulis ang mga litrato ng kotse ni Ate.
Nawawala si ate, hinanap na daw siya sa kagubatan pero hindi parin siya nahanap. Tapos ang mas weirdo pa ay may mga nakalagay rin na numero sa windshield ng kanyang sasakyan. Nakakapagtaka ang mga numerong yon kasi halatang hindi sulat-kamay ni ate.
Ang mga numero ay:
4
9
18
5
16
20
9
19
15
3
3
9
4
9
20.
Ibang klase ang pagkakasulat sa mga numerong ito. Kulay pula ang ginamit na pintura at napakaperfect ng pagkasulat. Iniimbestigahan pa raw ito ng mga Pulis."Susubukan pa naming alamin ang ibig sabihin ng mga numero. Napakahirap intindihin pero gagawin namin ang lahat." Sabi ni Senior Inspector Allan Lim, ang nag-iimbestiga sa pagkawala ni Ate.
"Sige, Sir. Pakiusap. Wag niyo pong pabayaan ang kaso. Hanapin niyo po siya." Sabi ni Mama.
----------
Hawak parin ni Macario ang litrato ng windshield kung saan nakasulat ang mga numero. Isa itong encryption code na kailangang malaman.
"May nalalaman ka na ba tungkol diyan?" Tanong ni Helen.
"Wala parin..."
"Ano ang gagawin natin ngayon?"
"Hindi ko pa masasagot yan. Kahit nga ako ay gusto ko na mismo ang sumugod doon at hanapin si Teresita."
"Pakiusap, Macario. Hindi na natin alam kung ligtas pa ba siya, o buhay pa ba. Humanap ka ng paraan, kahit ano basta maiuwi lang natin siya rito!"
"Anong paraan ba ang gusto mo? Magmukhang tanga at magwala sa mga pulis para kumbinsihin silang hanapin si Teresita?! Nasiraan ka na ba ng ulo?! Kahit gagawin ko yun, hindi naman lilitaw si Teresta nang ganun-ganun lang, eh." Nagsimula nang magkipag-talo ang mag-asawa tungkol doon.
"MACARIO! NAWAWALA ANG ANAK KO. HINDI KO KAYANG MAGHINTAY LAMANG SA WALA!"
"ANAK KO RIN NAMAN SIYA! PERO WALA PA TAYONG MAGAGAWA NGAYON!"
"....nakikipag-ugnayan na NGA tayo sa mga pulis. Hintayin na lang natin." Pagpapatuloy ni Macario.
"Natatakot ako. Natatakot ako para sa kanya."
"Alam ko. Maging ako ay natatakot na rin. Pero magiging okay din ang lahat. Babalik si Teresita. Babalik ang anak natin. Wag kang mag-alala. Hindi ako papayag na hindi siya makakauwi sa atin."
Maya't maya pa ay biglang nagring ang cellphone ni Macario. Si Senior Inspector Allan Lim pala.
"Sir, nakuha na ng istasyon ang sasakyan ng inyong anak. Maaari po ba kayong pumunta rito?"
"Sige, sige. Pupunta kami."
Pumunta na ang mag-asawa sa Istasyon ng Pulis. Sa kanilang pagdating ay sinalubong sila ni S/Insp. Lim.
"Sir, naretrieve na po namin ang sasakyan ni Teresita. May nakasulat pong mga letra sa isang papel na nasa compartment."
Bigla namang nagtaka ang mag-asawa matapos nila yong marinig. "Anong mga letra?"
'JAERTORTBOERZUATNOPLISH'
At sa baba nito ay may isang larawan ng isang matandang lalaking naka-amerikana, nakasalamin at may tabako sa bibig. Mukhang noong 1920's pang nakunan ang litratong ito.""Ano ang kinalaman ng litrato na ito sa pagkawala ng aming anak?" Tanong ni Macario sa imbestigador.
"Pinag-aaralan pa po namin, Sir."
"...kung gusto niyo po, kunin niyo na po ang sasakyan, nakuha na namin ang mga kailangang imbestigahan." Pagpapatuloy pa ni Lim.
Inuwi na ng mag-asawa ang sasakyan ng kanilang anak. Nalilito pa rin si Macario sa mga bagay na nasa sasakyan ng anak na nakakapaghinala. Sino ang nasa litrato? Ano ang ibig sabihin ng mga nakasulat na letrang ito? Ano ang ibig sabihin ng mga nakasulat na numero? At higit sa lahat, ano ang kinalaman ng mga to sa pagkawala ni Teresita?
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Misterio / SuspensoSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...