Perspektibo ni Macario
_______________'Ako ay palaging nasa gitna ng magkabilang lima.'
May nang-iwan ng papel na may ganitong kasulatan sa labas ng gate namin. Nagtataka ako kung sino at ano ang pakay nila para mang-iwan ng ganyang gayong may pinagdadaanan ang pamilya namin sa mga panahong ito.
"Ano ang ibig-sabihin nito?" Tanong ko pa sa isip-isip ko.
"Ano yun, Pa?" Tanong pa sa akin ni Andre.
"Ah...wala."
Pumasok ako sa basement para itago ang sulat. Nagkakanda-gulo-gulo na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na nga alam kung ligtas ang anak ko tapos may mga ganito pang dumadating sa amin.
Binuksan ko ang cabinet upang tingnan ang mga baril na gagamitin ko kung sakali. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit kinailangan kong bumili ng mga ganito basta ang para sa akin lang ay maprotektahan ko ang pamilya ko sa oras na may panganib ang dumating."Nandyan ka nanaman sa mga baril mo." Sabi ni Helen.
"Naninigurado lang." Sagot ko.
"Hindi mo naman siguro kailangan ng baril para mahanap siya."
"Pero kaya kong pumatay ng tao para sa pamilya ko." Sagot ko.
Hindi na pinatagal ni Helen ang usapan at kusa na itong umalis.
Napatingin ako sa relo. Malapit na palang mag 7:30. May duty pa pala ako mamaya. pero hindi ko alam kung kaya ko bang magtrabaho sa kabila ng lahat ng nangyayari. Buong oras ay nakatulala lamang ako sa mga baril nang biglang may pagkatok akong narinig—na siyang ikinagulat ko.
"Sir. Nakahanda na po ang hapunan." Sabi ni Marites sa akin matapos kumatok sa pinto ng basement.
"Sige, sige. Hahabol lang ako." Sagot ko sa kanya.
Muli kong tiningnan litrato ng lalaki. Iniisip ko pa rin kung sino siya at kung ano ang nasa likod ng kanyang pagkatao.
Maya't maya pa ay tumayo na ako at umalis ng basement para maghapunan. Maliligo pa ako at maghahanda para pumasok ng opisina.
----------
"Nabalitaan ko na nawawala raw ang anak mo." Kakarating ko pa lang ng opisina nang biglang ganoon ang bati sa akin ni Sir Tadeo.
"Paano niyo po nalaman, Sir?" Tanong ko.
"Balitang balita, eh." Sagot niya.
"Sir, wag na lang po muna natin siguro pag-usapan sa ngayon."
"Sige, pasensya ka na. Basta kung kailangan mo ng panahon para diyan, sabihin mo lang sa akin. Baka kailangan ka ng kaso ng anak mo, pwede ka munang magleave."
"Sige po, Sir. Salamat."
Ginawa ko na lamang ang trabaho ko sa gabing iyon. Kaso hindi mawala-wala sa isip ko ang kalagayan ni Teresita. Kahit sinong magulang ba naman...
----------
Matapos ang shift ko ay umuwi na ako agad. Umaga na akong nakauwi nang may nadatnan na naman akong envelope na nakaipit sa gate namin. Gaya noong una ay nagtaka na naman ako kung sino ang nagpapadala ng mga ito sa amin. Binuksan ko ito, yon parin ang nakasulat.
Ako ay palaging nasa gitna ng magkabilang lima.
Ano ba talaga ang ibig sabihin nito? Punyeta! Pumasok na ako sa loob at pumunta ng basement muli ay inilagay ko ang sulat na yun sa parehong cabinet. Iritang-irita na ako sa mga taong ito. May nanghihimasok talaga dito sa sitwasyon namin. Hindi ko masabi kung pinaglalaruan lang ba kami nito o itong mga tao talaga ang nasa likod ng mga pangyayari. Kinuha ko ang litrato at ang papel kung saan nakasulat ang mga letra. Kinuha ko ang mga ito at pinag-aralan nang mabuti.
Nakita ko sa litrato ang dalawang letrang V na nakapinta sa background ng lalakeng naka-amerikana. Ang pagkakapintura ay mala-vintage ang style. Yung tipong Old English.
"Sino kaya itong lalaki na ito?"
Pagkatapos nun ay nagtungo ako sa garahe para tignan muli ang kotse ni Teresita. Baka meron doon clues na magsasabi kung sino ang nasa litrato.
...pero wala na akong nahanap. Inihalungkat ko na rin ang mga gamit. Wala parin akong nahanap. Nahanap ko lang ang panyo niya na kulay red. Kinuha ko ito at dinala sa kwarto niya. Hindi ko mapigilan ang maluha. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin upang mahanap siya. Sinubukan kong hindi mag-alala ngunit unti-unti na akong pinapatay nito. Ako ang Padre-de-pamilya pero ako mismo ay walang magawa tungkol roon.
Kung hindi ko lamang siya pinayagang umalis...kung hindi ko na lamang siyang pinabayaan sa mga problema niya, siguro ay hindi siya nawawala ngayon.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluha nang bigla na namang nagring ang cellphone ko. Ang buong akala ko ay si S/Insp. Lim ang tumatawag ngunit nakalahay na Unknown number ito. Gayunpaman ay sinagot ko pa rin ito.
"He--hello?"
"Alam ko kung saan nila dinala ang anak mo. Wag ka lang mag-salita at makinig ka lang sa mga sasabihin ko."
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Mystery / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...