Labis ang pagkakagulat nila nang 'di nila inasahang makita si Macario roon na mag-isa lang at binabagtas ang kadiliman ng kagubatan. Mukhang wala na naman ito sa sarili at parang hindi sila nakikilala. Higit pa roon ay nanatiling nakatutok ang baril nito sa kanila, kaya ganoon na lang ang takot nila na baka bigla silang paputukan nito.
"Sir, huminahon lang po kayo. Kami lang po ito." Pagbati pa ni Lim dito habang siya'y pinapakalma.
Hindi katagalan ay ibinaba naman nito ang kanyang baril at bahagyang umatras sa kanila. Napahinga na lamang nang malalim ang dalawa matapos no'n.
"Ano po ba ang ginagawa niyo rito, Sir? Malalim na ang gabi, napakadelikado lalo pa't mag-isa lang kayo." Tanong pa ni Lim kay Macario na sumusunod na sa kanila sa paglalakad sa mga oras na ito.
"Tinatanong pa ba yan? Hinahanap ko ang anak ko!" Sagot pa nitong pagalit.
"Sir naman. Trabaho na po namin yan, ipaubaya niyo na sa amin. Baka mamaya, mapahamak pa kayo diyan."
Naglakad na silang tatlo pabalik sa kalsada. Hindi na sila naglibot buhat ng pag-litaw ni Macario sa kagubatan. Hanggang sa maaari, ay ayaw ni Lim na magiging sagabal ito sa kanilang trabaho. Isa pa ay may napulot na rin silang bagay na pwede nilang mapakinabangan sa imbestigasyon—ang ID ni Teresita.
Nang makarating ay tinungo na ni Lim ang kanyang sasakyan na nakaparada sa 'di kalayuan. At sa kanyang paglalakad ay hinabol siya ni Tamayo.
"Sir...sigurado po ba kayo kay Mr. Gomez?" Tanong pa nito.
"Bakit mo naman natanong?"
"Sir, nakita natin siya sa gitna ng kagubatan, sa kadiliman ng gabi. May dala siyang baril at halata naman ang kanyang pagkabalisa. Kung sinabi niyo po na hindi natin pwedeng pagkatiwalaan sina Chief Bernales, siguro pwede na natin iinclude si Mr. Gomez doon." Pangangatuwiran pa nito.
"Zachary. Yang taong nakikita mo ay isang desperadong ama. Desperado sa paghahanap sa kanyang nawawalang anak. Kaya sa ngayon ay dapat nating intindihin ang estado niya ngayon at kung bakit niya 'to ginagawa. Pero tama ka, maging siya ay hindi natin pwedeng pagkatiwalaan. May kailangan pa siyang ipaliwanag tungkol sa pagkakarehistro ng contact number niya sa cellphone na naretrieve natin." Sagot pa nito habang binubuksan ang nakalock na pinto ng kanyang sasakyan.
"Babalik pa ba tayo sa istasyon?"
"Bukas na, kailangan na nating magpahinga."
Nilipat pa ng dalawa ang paningin nila kay Macario na naghihintay lang sa kanila nang biglang nagring ang cellphone ni Tamayo. Puro text messages ang kanyang natatanggap mula noong nakaraang dalawang linggo. Dahil dito ay napahinga naman siya nang maluwag.
"Hay salamat...bumalik na rin ang signal." Ani Tamayo, habang abala na nirereplyan ang mga text messages ni Riza sa kanya.
"Tara na, umalis na tayo rito." Utos pa ni Lim dito.
----------
6:45 na ng umaga nang magising si Tamayo. Pagdilat niya ay wala na sa kama nito si Lim. Palagay niya ay kanina pa itong nagising at lumabas na para mag-almusal—kaya dali-dali siyang bumangon. Sa isip-isip pa niya ay hindi na siya ginising ni Lim para makabawi naman siya ng tulog.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Mystery / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...