Perspektibo ni S/Insp. Lim
________________Matapos ang ilang oras na pagbyahe ay nakarating din kame sa Padrino nang madaling araw. Dala-dala namin ni Tamayo ang karton na nakuha namin sa Joaquin Robles Road. Doon kami una nagtungo upan komprontahin si Mr. Gomez at tanungin sa kanya kung bakit nasa contact siya ng cellphone na na-retrieve namin kagabi.
"Nandito na po pala kayo, Sir." Bati pa sa amin ng noo'y kakapasok pa lng sa duty na si Hernandez.
"Nasaan na si Macario Gomez?" Hindi na ako nag-atubili pa at diniretsahan ko na ang tanong sa kanya. Napakarami ko nang natuklasan athindi ko alam kung paano kukune-kunektahin ang mga ito.
"Nakalaya na po siya, Sir. Pinagpiyansa siya ng kanyang asawa kahapon ng umaga." Sagot pa ni Hernandez sa akin. Matapos yun malaman ay umalis na rin kami dahil wala na roon ang sinadya namin.
"Sir, pupuntahan pa po ba natin si Mr. Gomez sa bahay nila?" Tanong pa ni Tamayo sa akin habang inaandar ang kanyang sasakyan.
"Pag umaraw na, dahil paniguradong tulog pa ang mga yun sa ganitong oras. Umuwi na lang muna tayo para masulit ang pagpapahinga. Dahil magiging busy na naman tayo kinabukasan." Sagot ko pa sa kanya.
Hinatid ako ni Tamayo sa amin. Kahit na alas tres na ng madaling araw at tatlong oras lang ang magiging tulog ko ay susulitin ko na. Kung sa bagay, diyamante ang pahinga para sa ganitong linya ng trabaho.
"Salamat, Tamayo. Mag-iingat ka." Pamamaalam ko pa sa kanya sa aking pagbaba nang binaba niya muli ang bintana sa may kinauupuan ko kanina.
"Ahh...Sir? Paano po itong kamay?" Pahabol niya pa.
"Diyan na lang muna yan sayo. Hindi pa natin pwedeng ilagay sa cold storage ng istasyon yan dahil hindi natin yan pormal na itinurn-over."
"Pero Sir, hindi ko po yan pwedeng ilagay sa ref namin. Naaagnas na po yan at napakasangsang na ng amo--" Pangangatuwiran niya pa sana nang bigla ko siyang pigilan.
"Sige na, diyan na muna yan. Humanap ka na lang muna ng paraan kung paano ma-preserve yan. Wag kang mag-alala, panandalian lang naman yan diyan sayo at dadalhin din natin yan kinabukasan sa istasyon para mas masuri nang mabuti." Utos ko pa sa kanya.
"Sige po, Sir."
"Mag-ingat ka."
Matapos yun ay pumasok na ako sa loob at kinandado ang gate. Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakauwi rito kaya inaasahan kong maalikabok na sa loob—dala ng mahabang panahon na hindi ito okupado.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano ako nakilala ng asawa ni Chief Bernales. Oo, napag-usapan na nila ako, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya ako nilapitan para lang balaan.
Kasabay nito ang mga katanungang bumabagabag sa akin. May kinalaman nga ba talaga si Mr. Gomez sa pagkawala ng kanyang sariling anak o nakipag-transaksyon lang siya sa mga potensyal na mga kidnapper—dahilan kung bakit nakarehistro ang kanyang numero sa contacts na nasa cellphone na aming na-retrieve? Alin man sa dalawang ito ay tanging siya lamang ang makakapagbigay ng linaw sa lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Mystery / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...