Perspektibo ni S/Insp. Lim
__________________________"Dalhin niyo na yan sa ospital!" Sigaw ko pa kay Tamayo, kahit na ako mismo ay hindi na rin sigurado kung maililigtas pa si Paulo gawa nga ng matinding pinsala na kanyang natamo. Ilang ulit ko pang sinigawan si Tamayo dahil tila natulala na ito nang dahil sa kanyang nasaksihan. Pero ilang segundo rin ang nakalipas ay bumalik din ito sa kanyang ulirat at nagmada.ling kumuha ng sasakyan para isugod si ang noo'y naghihingalo na si Paulo sa ospital
Naririnig ko ang mga sinasambit ni Paulo kahit na hirap na itong magsalita dahil nga sa mga tama ng bala sa kanya.
"Ton-Ton...bakit?"
Mabilis akong sumakay sa isa sa mga Police Car para habulin ang namaril na hinihinala kong si Ton-Ton na nga. Inutusan ko rin ang iba para sumama sa akin at habulin siya gawa ng hindi pa siya nakakalayo sa amin. Pinabilis ko nang husto ang pagmaneho sabay ng pag-iingay ng sirena, para mapilitang tumabi ang mga sasakyang makakasabay ko sa daan. Ngunit sa kabila din nito ay pinabilis din niya ang kanyang pagmamaneho ng motor at sadyang pinapagewang ang pagpapatakbo upang maiwasan ako.
"ANAK NG PUTA!" Pagsisigaw ko pa sa loob ng sasakyan nang dahil sa sobrang galit.
Patuloy lamang ang paghahabol ko sa kanya bago siyang nagsimula na magpaputok sa kinaroroonan ko. Napailag ako nang wala sa oras at kasabay din nito ang pagkabasag ng windshield. Mabuti na lang at hindi ito tumagos. Kasunod nito ay ang pagbunot ko ng aking baril mula sa holster para sana'y makipagpalitan ng putok sa kanya sa oras ng alanganin—kahit na delikado itong gawin sa kinaroroonan namin dahil maraming tao ang nasa daanan. Kaya minabuti ko na lang na ikasa ito para handa na rin sa oras na kinakailangan.
Ang problema nga lang ay hindi ako makakalapit sa kanya nang husto dahil mas pabor sa kanya ang paligid at sasakyang ginagamit para magpaputok.
"This is Senior Inspector Lim, speaking. I am approaching the perpetrator travelling sa 3rd street ng Barangay Antipolo. Tinetail ko lamang siya sa mga oras na ito. I request na magda-divert sa 2nd street ang Unit 44 para abangan siya sa harap, over." Utos ko pa sa mga kasamahan ko sa radyo. Dire-diretso lang din kasi ang kalsada ng 3rd street patungong 2nd Street, kaya wala siyang kawala pag inabangan siya ng mga kasama ko roon.
"Copy." Sagot pa ng mga nasa Unit 44.
Nagpatuloy lamang ako sa pagbuntot sa kanya, nang walang anu-ano, ay bigla na lamang siyang lumiko at pumasok sa isang eskinita nang hindi ko namalayan. Doon pa lang ay alam ko nang bulilyaso ang aming primary na plinano. Hindi ko na siyang magawang mahabol roon dahil napakasikip na ng daanan. Kaya wala akong ibang magawa kundi bumaba ng kotse para subukan siyang habulin sa pamamagitan ng bala.
"Tigil!" Pagsigaw ko pa habang itinutok sa kanya ang baril kong hawak-hawak. Kasabay din nito ang pagradyo ko sa mga kasamahan ko.
"Lumiko siya papasok sa isang eskinita, sa...Alejado compound. Yung mga nagdivert sa 2nd street, umalis na kayo diyan immediately! Icocorner natin siya sa labasan ng Alejado Compound, over!"
"Roger that."
Buo na sana ang loob ko na barilin siya nang biglang may lumabas na bata na sa palagay ko ay makiki-usyoso sana sa mga narinig na sigawan sa labas. Agad naman itong hinila ng kanyang nanay paloob ng kanilang bahay nang makita akong may baril.
![](https://img.wattpad.com/cover/149396581-288-k509341.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Misteri / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...