Chapter 49- Hiram na Katauhan

133 5 0
                                    

Isang araw ang lumipas at bumalik na sina Lim at Tamayo sa Caragao Police Station upang dalawin si Sameer—at para alamin na rin kung ano ang nalalaman nito tungkol kay Ton-Ton at iparating ang isang masamang balita para sa kanya.

"O, napadalaw kayong dalawa? Palalayain niyo na ba ako rito?" Pagbati pa nito sa kanilang pagdating.

"Wag ka munang magmadali, tatagal ka pa rito. At isa pa, maliban sa may part ka rito, isa kang pugante na nanggaling pa sa Sri Lanka. Pinaghahanap ka mismo ng mga otoridad sa inyo at dito ka sa Pinas napadpad. Kahit kailan, pwede ka namin ipadeport pabalik sa bansa mo. Pero hindi, kailangan ka pa namin dito.." Taimtim na pagpapaliwanag ni Lim sakanya.

Kasunod naman nito ang saglit na pagtahimik ni Sameer gawa ng kanyang narinig mula kay Lim. 

"Bakit, ano ba ang kailangan niyo sa akin?" Tanong pa nito sa kanila.

"Sige, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa at didiretsahan na kita. Alam mo ba kung ano ang tunay na pagkakakilanlan ni Antonio Balais?."

"Sino? Sino na naman yang tao na yan? At bakit sa akin niyo tinatanong?"

"Hindi ako sigurado kung may koneksyon nga kayong dalawa. Pero kamakailan lang, may iniwan siyang mga sulat sa mga bagay na posibleng kagagawan niya. At ang sulat na yun, ay  naglalaman ng iisang kataga lamang na naging pinakasentro ng lead na sinusundan namin.  'Ako ay palaging nasa gitna ng magkabilang lima'."

"Anong kalokohan ba yan? Eh wala nga akong alam diyan!"

"Pwede mo yang igiit hangga't kailan mong gusto. Pero matibay ang hinala ko na may kaugnayan ka nga sa mga taong ito. Hindi mo na kami mauuto sa mga paandar mo, Sameer. Sa mga kinikilos mo pa lang at sa naging pagtatangka sayo nina Oliveros at Suarez, sumisingaw na ang amoy mo, putangina mong hayop ka. Kaya kung ayaw mong sumakay muli ng eroplano pauwi, makipagtulungan ka na sa amin."

Nang sabihin ito ni Lim ay natahimik saglit si Sameer. Basang-basa nila ang ekspresyon sa mukha nito na ayaw niya talagang madeport pabalik ng Sri-Lanka—na bansang kanyang tinakasan dahil sa isang malala na krimeng nagawa.

"Wala--wala akong alam sa sinasabi mo, hanggang kailan niyo ba kailangang mangulit sa akin para sa bagay na wala naman akong kinalaman?" Tanging naging sagot niya.

"Sa palagay ko, parang ayaw mo pa yatang magsalita. Sige, bibigyan ka pa muna namin ng kakaunting panahon para mag-isip-isip kung itutuwid mo ba ang buhay mo. Pumunta lang talaga kami rito para kunin ang mga naiwang gamit namin sa pag-imbesitiga, at para magtanong-tanong na rin sayo."

Matapos itong sabihin ay nagsitayuan na ang dalawa mula sa kanilang kinauupuan at akma nang umalis nang may biglang naalala si Lim na gusto niya sanang ipaalam kay Sameer.

"Nga pala, muntik ko nang makalimutan. Kamakailan lang, nasangkot itong si 'Antonio Balais' sa pagpapatay sa mga iilang mga taong may koneksyon kay Teresita. At isa doon ang ex-wife mo—si Audrey Jasmine."

Nang marinig ang balita ay napatingin si Sameer bigla sa dalawa na tila nagulat sa kanyang nalaman na balita. Hindi na ito nagsalita at tuluyang ibinaling ang kanyang paningin sa ibang direksyon.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon