CHAPTER 8
Bandang alas tres palang ay nakarating na ako sa bahay. At ngayon ay gabi na, nakatulala lang ako sa kisame namin, gawa lang sa yero yon at nanilaw narin dahil sa sobrang luma, matagal na kase simula noong nagawa itong bahay pero matibay naman ito kase lumang yero.
Napahinga ako ng malalim habang nag-iisip kung saan ako kukuha ng 10k! Ang panget ng ugali! Bakit napakalaki naman?!
Sa sobrang inis ko ay itinalukbong ko sa muka ko ang manipis kong kumot. Kanina pa ako hindi mapakali. Ayoko namang manghiram kay mama at baka tampalin lang ako!
Nanatili ako sa ganoong posisyon ng may biglang pumasok sa isip ko. Nagliwanang ang muka ko nang maalalang may ipon nga pala ako! Tinungo ko ang durabox namin at pinuntahan ang alkansya ko.
Naalala kong hindi nga pala ako tumigil sa pag-iipon, tinitipid ko ang sarili ko at iniipon ang natitirang pera dito. May oras din na kinukupit ko ang ilang pera ni mama sa durabox para ilagay din dito kase naman ipang-sugal lang ni mama, di naman nahahalata eh.
Kinuha ko ang kutyilyo at winasak ang baboy ko. Nakita kong may 2523 na pala akong naipon! Ayos! Kahit papaano nakahanap ako nang pag-asa.
"300 naman, ang dami-dami po nyan eh." Reklamo mo sa kapit-bahay namin na inalok ako ng 250 para labhan yung damit nila. Isa-isa kong pinuntahan ang mga kapitbahay namin at inalok na ipaglalaba ko sila at babayaran nila ako.
"O, sige na nga. Basta bukas ng gabi pumunta ka dito at ikaw narin ang magtupi."
Tumango-tango ako. "Opo, okay lang po." Siguro pag may free time ako i-sisingit ko yon.
May lima naman ng pumayag at pang-anim itong kausap ko ngayon. Bukas ng umaga gigising ako ng alas kwatro para ipaglaba yung isa pa naming kapitbahay pagtapos noon ay papasok ako sa school ng 7:15 sakto at 7:30 ang start ng klase ko! At pag-uwi ko sa hapon yung isang kapitbahay naman ang ipaglalaba ko.
Kaya ko to! Para kay Dillan! Gagawin ko lahat para makita ka!
Lumipas ang dalawang linggo at ganoon ang nangyare, gumigising ako ng sobrang aga para ipaglaba sila, at pag-uwi galing school yung iba naman ang pinaglalaba ko, may ilan ding nag-alok saakin na ipag-igib sila ng tubig, paglinisin ng bodega, walisin ang labak, may ilan ding pinagdamo ako ng bakuran lahat ng iyon ay hindi ko pinalampas.
May ilang gabing nakakatulog nalang ako dahil sa sobrang pagod at nakakaligtaan ko na ang mga assignment ko. Lagi kaseng laman ng isip ko ay ang pag-iipon para makita ko si Dillan.
Katulad ngayon, sobrang sakit ng katawan ko at pagod na pagod na talaga ako, binilang ko ang pera ko at nakitang 9,995 palang yon.
Napadukdok ako sa lamesa dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Kulang parin." Maluha-luha kong bulong sa sarili ko. Gustong-gusto kitang makita Dillan kaya ako nalulungkot dahil hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...