FINALE
"Dillan Jones Ramirez, a Hollywood actor, and international supermodel is currently trending online due to his proposal to Philippine movie star Vanessa De Vera yesterday..."
"Nagulat at umantig ang puso ng mga fans sa biglaang naging proposal kahapon ng..."
"#trueloveisreal"
"It's like a real telenovela scene! Omg!"
"Hala totoo nga?! Akala ko chismis lang yung noooonn!"
"Balita ko umiyak daw si Dillan ah? Aww he loves her so much, lord anak nyo rin po ako."
"I get butterflies in my stomach at the way he proposed to her, like kase naman ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nya, I'm sure hindi 'yon acting guys, totoo nga."
Napangiti ako habang binabasa ang naging komento ng mga tao at balita sa internet dahil sa naging proposal kahapon saakin ni Dillan. Kahapon matapos ang naging proposal, he stayed by my side, hindi ko na sya pinigilan pa nung sinabi nyang gusto nyang manatili sa unit ko.
Kase ako rin naman ay gusto ko 'yon, limang taon rin syang nawala sa piling ko, napakaraming panahon ang nasayang namin dahil sa katigasan ng ulo ko.
Akala ko noon... sa panaginip ko lang sya pwedeng makasama, sa panaginip ko lang sya pwedeng malapitan, pero ngayon andito sya sa tabi ko... I can't believe he loves me. Sa tuwing naalala o naiisip ko kung paano sya nagsakripisyo para saakin noon, gusto ko nalang umiyak.
Napakarami kong masasakit na sinabi sakanya, ilang beses ko pang sinabi sakanya na sana mawala na lang sya dahil akala ko hindi nya ako minahal.
"Vanessa..." Nakita ko ang labis na pag-aalala ni Dillan sa tabi ko nang mapansin nyang umiiyak nanaman ako. "Why are you crying, bebe? Am I making you crying again?"
Umiiyak akong ngumiti at umiling. "Masaya ako, Dillan..." Tinitigan ko sya. "K-Kase mahal mo ko, I-I'm sorry Dillan..."
"I'm sorry Vanessa..."
"Hindi mo kailangang manghingi ng tawad, kase alam kong ginawa mo lang naman 'yon para saakin, at nagtagumpay ka kase, n-nagbago ako, I'm not that innocent and weak girl anymore, A-At ngayon... Kayang-kaya ko ng harapin ang mundo mo Dillan."
Matamis syang ngumiti saakin at hinawakan ang muka ko. Napansin kong bumaba ang tingin nya sa daliri ko kaya sinundan ko 'yon ng tingin and I saw him fixating on the stunning diamond ring he had given me the previous day. Napangiti akong tumingin doon.
"It's beautiful Dillan, noong isinuot ko 'yan, hindi ko mapigilang umiyak..." Umangat ako ng tingin. "Kase bagay na bagay sya sa daliri ko..."
Huminto ako saglit. "Pero sinabi mo saakin na may binili ka ng singsing noon, pero isinauli mo? Bakit?"
"Because it's not the kind of ring you deserve."
"I don't care what type of ring Dillan, even a small and cheap diamond, basta manggaling sayo, ako parin ang magiging pinakamasyang babae."
"I don't value the money, Bebe, I value time..."
Napahinto ako.
"I only spend months to get enough money to buy that ring, that's why I return it..."
"Dillan..."
"While this ring..." Itinuro nya ang singsing na suot ko. "I spent 5 years to get enough money to buy that ring..."

BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...