CHAPTER 25
Dinala ako ni Dillan sa kwarto nya at nung sinabi nyang papaliguan nya ako ginawa nya talaga 'yon.
Hindi na ako tumanggi nung sabunin nya ang buong katawan ko, nagtatawanan lang kami habang ginagawa nya 'yon, paminsan-minsan ay kinikiliti nya pa ako kaya tinatapik ko sya.
At ngayon naman, nakapatong ang dalawang braso nya sa gilid ng bathtub at tinititigan ako habang nakababad ako doon. Nakatitig lang sya sa'kin at paminsan-minsan ay bubuhusan nya ng konting tubig mula sa bathtub yung balikat ko gamit ang kamay nya.
Underwear lang ang suot ko habang si Dillan ay kumpleto pa ang damit, hindi naman basa ang sahig na kinauupuan nya kaya walang problema.
"Alam mo Dillan? Nung bata pa ako, puro sa poso ako naliligo, tapos pinupuno ko yung banyera namin tapos nagbababad ako doon, iniimage ko bathtub 'yon." Nakangiting kwento ko ka'y Dillan habang pinaglalaruan yung bula.
"Poso?" Tanong nya.
Tumango ako. "Hmm oo, parang gripo rin yon na pinagkukunan ng tubig pero kailangan mong timbain."
"Timbain?" Naguguluhang tanong nya. "What is timbain? Like, to activate some switch?"
Tumawa ako ng bahagya at humarap sakanya. "Hindi, uhmm... Wag na isipin 'yon Dillan."
Hindi sya sumagot kaya nagsalita ako uli.
"K-Kung pwede nga lang na magpunta ka sa'min para makita mo, kaso... Malabo 'yon." Walang halong lungkot ang boses ko pero alam kong bakas sa muka ko ang panghihinayang.
"Vanessa..." Hinawakan ni Dillan ang pisngi ko para mahalikan ang medyo basa kong pisngi.
Hindi ko alam pero... bakit sobrang lungkot ng itsura nya?
"I'm sorry... It's a big shame for me as man to let my girl visits me instead of visiting her... But I don't care, it's not about my ego anymore as a man..." Tumitig sya sa mga mata ko. "It's about you Vanessa... I need to protect you."
Napuno ng pag-aalala ang muka ko. "P-Protektahan? Anong ibig mong sabihin?"
Inalis nya ang pagkakahawak sa pisngi ko, lumayo sya sa'kin, umayos ng upo at pinagmasdan ang pader sa harapan nya.
"D-Dillan? Saan? M-May gusto bang manakit sakin?" Hinawakan ko ang balikat nya.
Hindi sya sumagot, sa halip ay umiling lang sya.
"E-Eh kung ganon kanino ako dapat protektahan?" Kinakabahang tanong ko.
"My world." Direstyahang sagot nya.
"H-Huh?"
"I need to protect you, from my world. My industry, for now."
Lalo akong naguluhan. "D-Dillan, paan--"
"Let's not talk about that."
Napalunok ako nang titigan nya ako ng direstyo sa mata. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
"P-Pero Dillan, n-natatakot ako..."
Sinakop ng dalawang palad nya ang magkabilang pisngi ko. "Trust me..."
Napakagat ako ng labi sa sinabi nya. Nakipag-paligsaan ako ng titig sakanya pero huli ay sumuko ako at tumango nalang.
"O-Oo Dillan." Tumango-tango ako. "Basta wag mo akong iiwan ah? Kahit anong mangyare, kahit ano pa yan, wag mo akong iiwan..."
Hawak parin ang dalawang pisngi ko ay may paninindigan syang tumango.
"Yes, I promise."
Napangiti ako, at ganon din nya. Pero mabilis ding nabago ang ekspresyon ng muka nya na pinagtaka ko.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Play my Heart (Mr. Ramirez Series #1)
RomanceVanessa Lazaro's life was simple and less hitch-like walking peacefully through autumn leaves, or is it really simple? She thinks she's ugly and useless and life wasn't fair for her, she's the center of all pain, sorrowful, and humiliation. Because...